Jin's Picture on the side ^_______^
Sophia Vara POV
(SVLS Corporation)
Wala namang bago sa ginagawa ko dito. Pirma dito, pirma doon, basa dito, basa doon. Hay! Wala bang dadalaw sa akin??
Boriiiiiing! >.<
*ring* telepono ko un pag secretary ko ung natawag. Pinindot ko ang answer.
“Madame President may bisita po kayo.” Naexcite naman ako dahil bisita daw eh. Pag hindi naman bisita yan pangalan agad ung sasabihin.
“Who?” tanong ko
“Basta ma’am lalaki po, tapos gwapo, tapos ayaw po kasi sabihin ung pangalan niya.” Eh? Lalaki? Psh.
“Ok, let him in.” walang kabuhay buhay kong sabi.
Maya-maya unti unting nagbukas ang pinto, nagtataka ko kung bakit dahan dahan ung pagbukas ng pinto? Parang slow motion sa movies. Haha! Anu ba yang iniisip ko.
Di nagtagal nagpakita rin ung bisita ko raw. Tss! Anong ginagawa nito dito?
Pambihira naman oh! Di na nga ako pinatulog kakaisip sa pagkalito ko sa kanya kagabi tapos pupuntahan pa ako.
“Mr. Altamerano” sabi ko
“Too formal. Ganyan ka ba talaga? Jin na lang tawag mo sa akin. Mas maganda pa sa pandinig.” Sabi niya
“I’ll call you whatever I want.”
“Aish. Ang kulit… anyway, for you.” Inabutan niya ako ng isang boquet ng yellow tulips at pinakamalaking pack ng Ferrero.
“I don’t like flowers but I can accept the chocolate. Favorite yan ng best friend ko.” Kinuha ko ung chocolate saka pumunta sa mini ref ko at nilagay doon. Sa totoo lang favorite ko ang yellow tulip at kahinaan ko ang flowers pero dahil nga gusto kong ma turn off na sa akin ito ay ganito ang ginawa ko.
Nakakababa ng dignidad ito. Parang ang kapal ng mukha ko. Hayaan na nga.
“Wow ah! Ang mahal kaya ng tulips na ito tapos hindi mo tatanggapin? Tanggapin mo na lang din.” Pinatong niya sa table ko ung flowers saka nagmasid masid sa office ko.
“tsk. Ei, Ji-, err, Mr. Altamerano, what do you think you’re doing?” patuloy lang siya sa pagmamasid.
“Wala, pinagmamasdan ko lang ung office ng soon-to-be-girlfriend ko.” Nakangiting maiging sagot niya.
“You hit a nerve.” Mataray kong sabi
“Ha? Bakit?”
“Di ba nagkaintindihan na tayo? Ayoko nga sa inyo. Kung iyan ang pinunta mo dito, umalis ka na nga.” Di ko na napigilan.
“Malay ko ba, baka technic mo lang un para mapansin kita.” Sagot niya
“Ha-ha! Technic your face. Taas din ng tingin mo sa sarili mo eh no?” naging casual na pakikipag-usap ko pero dahil lalaki ito, kailangan kong tarayan.
“Pagmasdan mo naman kasi itong mukhang to, may ipagmamalaki naman ako.” Sagot niya
Tinignan ko siya na parang sinusuri. Oo nga tama naman siya may ipagmamalaki naman kaya lang hindi pa rin para sa akin.
“Yeah, hindi naman na masama.” Sagot ko
Parang nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko tuloy mapigilang di matawa.
“Pambihira, parang panlalait mo sa akin ang nakapagpasaya sayo ah.” Napakamot siya sa ulo niya tapos umupo na ulit.
Tawa pa din ako ng tawa.