SharCis Flashback

3.7K 62 14
                                    

SHARLENE

This is one of the best days of my life.

Pauwi na kami ni Jai mula sa super masarap at nakaka-kilig na dinner date sa Antipolo.

“Nag-enjoy ka ba?” tanong niya.

“Super.... Jai, tell me, hindi ito ang huli diba?” sabi ko sa kanya, napangiti lang sya at tumango.

“Oo naman prinsesa ko.”

“Jai, pag naging tayo na, ayoko nang prinsesa ang itatawag mo sakin. Lawyer kaya ako, nakaka-weak ng image ang prinsesa.”

I can smell disagreement dahil sa reaksyon niya.

“Eh ano ang gusto mong itawag ko sayo?”

“Baby.” Masayang sagot ko.

“Ang korni. Mas maganda pag ‘prinsesa ko’ ang tawag ko sayo.”

Sumimangot naman ako.

“Anong korni. Sweet kaya.”

“AYOKO!!!”

Pinagtalunan namin ang endearment namin eh hindi pa nga kami....hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

“Prinsesa ko, thank you for this day!”

He gave me a tight hug bago ko pumasok sa gate.

Para bang dahil lang sa gabing to, nabayaran ng mga sweet and sincere moments namin ang pitong taon na miserable kami dahil wala ang isa’t isa.

Nakahiga na ko ng biglang tumawag si Francis.

“Hello boss....”

“Partner, how was your day? I tried to contact you kanina ha...”

“I was with Jai the whole day.....” kilig na kilig na share ko sa kanya.

Bigla naman syang kumanta sa kabilang line.

“If ever you’re in my arms again, this time I love you much better.... Aisus! Attorney San Pedro-Aquino... Pwede!” nanunuksong sabi ni Francis. Napangiti naman ako. Priceless! Minsan lang kasing nasa mood si Francis dahil nga sa stress sa trabaho at innate na sa kaniya ang maging masungit at nakakainis kausap.

“Partner, promise kapag ok na lahat samin ni Jai, I will do everything to accomplish my mission para sumaya ka na rin. Sana maging masaya na tayo sa mga totoong mahal natin.”

I recall the deal we had, grabe ang immature talaga nun!

“I know, Partner. Alam ko naman na magiging masaya na kayo ni Mr. Aquino at alam ko rin naman na matutupad mo ang mission mo para sa kin dahil kung hindi, isusumbong kita sa mama mo!”

“Hahahahahahhaha! Oo na! Di ko naman kinakalimutan yun eh. Basta promise Francis kapag nagpakasal na kami ni Jai, invited ka talaga at gagawin kitang ninong ng lahat ng magiging anak namin!”

“Bago mo ko kuning ninong sa mga magiging anak mo, isubmit mo muna lahat ng report na na-delay dahil absent ka kanina. I want all of your reports tomorrow!”

Nyay! Hahah si Francis talaga.

“Yes boss! Ipapabigay ko na lang sa maganda kong secretary. Goodnight!”

I never want this happiness come to an end.

[A/N: Sa mga nagtataka sa abnormal na set up ng SharCis, eto na po... si Francis na lang magpapaliwanag sa inyo... Take it away Kiko! :)) hahahaha!]

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon