Ikaw.. Na laging nandyan sa tabi niya.
Ikaw.. Na kahit sinaktan niya, mahal mo parin siya.
Ikaw.. Binalewala para sa bestfriend mo.
Bakit ka kasi naging TANGA!? Bakit mo kasi siya MINAHAL?! Edi sana di ka ngayon NASASAKTAN ng SOBRA-SOBRA.
Masakit ba? Masakit na makita silang dalawa na masaya, habang ikaw, nasasaktan.
Masakit ba? Masakit ba na ngayon, alaala nalang yung kayo.
Masakit ba? Masakit ba na ngayon, lantaran ka na niyang sinasaktan.
Diba dati, nangako siya? Nangako na, ikaw lang ang mamahalin niya habang buhay.
Pero, diba sinira niya? Kasi mahal niya yung Bestfriend mo.
Bakit ka kasi naniwala na ikaw lang sa buhay n'ya.
Sabi pa nga niya na ipagmamalaki ka niya sa mga magulang mo. Ipapakita niya sayo na mahal na mahal ka niya.
Naniwala ka naman.
Masakit ba na UMASA KA?