Simula

14 0 10
                                    

Mapayapang baryo, malayo sa sibilisasyon at ingay ng sasakyan. Malayo sa nakakabinging stereo ng mga night club. Kahalihalinang pagmasdan ang mga damong nagsasayaw kasabay ng paghuni ng mga ibon sa skwelahan. Abala ang lahat sa paglalaro, ang iba naman ay inaayos ng kanilang mga magulang ang buhok habang ako'y tamihik lang na napapangiti sa nakikita at nagbabalot ng tirang tinapay na bigay ni Aling Lara.

"Aanhin mo iyan Jana?" tanong ni Alna na akin nang mapansin niya ang tinapay na binabalot ko mula sa mga tira namin sa merienda.

"Itatabi ko lang baka kasi magutom ako mamaya." tugon ko habang isinasara ang nilikha kong paper bag mula sa yellow paper. Napansin ko ang pamamahangha sa kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ko, ipinagkibit balikat ko nalang iyon, di ko na kailangan magpaliwanag dahil iyon naman ang totoo.

Pumasok agad ako sa classroom nnung marinig ko ang bell hudyat kasi iyon na tapos na ang merienda. Magiliw na nagsasayaw sa bawat hapit ng hangin ang mga damo sa field. Ang mga punong nagsisilbing silungan ng mga magulang na nag-aantay sa kanilang mga anak. Iginila ko ang mga mata upang makita si Mama ngunit bigo ako dahil wala siya noon.

Nagtutubig pa man ay inunahan ko na at agad iyong panalis sa aking mga mata, wala si Mama dahil nagsisikap siya, wala si Mama dahil naghahanap buhay siya para sa amin.

"Jana!" tawag ni Alna kaya bahagya akong natigil sa paglalakad. Hawak hhawak siya ng nanay niyang si Aling Sandra. Paminsan minsan ay may pagkakataong ayokong makita ang mukha ng ina ni Alna. Tinuro ni Mama na masamang magsalita laban sa kapwa pero iyon ang ginagawa niya.

"Jana ang Papa mo?" marahang tanong ni Aling Sandra.

"Nasa siyudad po, nagbenta ng mga tanim" Magalang kong sagot sa kanya kahit di ko alam kong ano man ang kailangan niya.

"Eh si Mama mo Jana? di ka sinusundo?" Muling tanong ni Alna na nagpabuhay ng kung anong di ko maintindihang nararamdaman sa sarili.

"Jana dapat ang Mama mo inaalagaan kayo, ano bang pinagkakaabalahan niya sa alayon at di ka niya makuha man lang sunduin?" dagdag pa ni Aling Sandra.

Naiiyak na ako kaya't nayuko nalang ako sa harapan nila't inantay na makaalis sila sa harapan ko. Sa edad na siyam ay natutuo na akong umuwi sa sarili namin bahay, magluto at maglinis, sabi ng iba di ko daw iyon responsibilidad, pero alam ko sa sarili ko na gusto ko iyong gawain.

Kung pwede lang sana kahit paghahanap ng pera ay ako nalang ang gagawa para di na kailangan pa ni Papa na pumunta sa siyudad, para di na kailangan ni Mama na magpaka-kuba sa Alayon para matustusan lang kami ng Ate.

Pasado ala sais nang makita kong pumasok si Mama sa pintuan. Maputik ang kanyang damit at mga kamay, naupo siya sa kawayang upuan at hinagod hagod ang kanyang likod. Agad akong kumuha ng labakara at binasa ng maligamgam na tubig saka lumapit kay Mama.

Pinunasan ko ang maputik niyang kamay at marahang inalis ang lupang nag kubli sa kanyang mga kuko. Nakangiti lang si Mama na nakadungaw sa akin.

"Ma, nagsaing na ako at may ulam pa naman na natira kanina yung tuyo yan nalang kainin natin." pagdedetalye ko pa.

hinaplos ni Mama ang aking ulo.. " Sige lang anak, ngayon ang uwi ni Papa, nagdadala raw siya ng ulam." Aniya saka tumayo na para magbihis.

Di nagtagal ay dumating na si Papa, umaliwalas ang mukha ko nang pagbaling ko sa kanyang bisig ay may nakasabit na plastik na sa hinuna ay ang alam na tinutukoy ni Mama.

Nagmano ako kay Papa saka naman niya inabot iyong plastik at inutusan akong magsaing na agad ko nang sinunod. Pinagtira ko ng kanin at ulam si Ate sa ibang lalagyan saka ko inihanda ang para sa amin. Pumanhik ako sa kwarto nila para tawagin sila, nakaawang ang pintuan at mukang nag-uusap pa silang dalawa.

"May ibang paraan pa naman siguro, masyado iyong malayo." boses ni Mama.

"Maganda raw ang pasahod doon, at isa pa makakatulong iyyon lalo na't malapit nang grumaduate si Liya." si Papa.

Napapatak ang luha ko saka kusang gumalaw ang aking binti pabalik sa kung saan man ako nanggaling.

'Aalis si Papa? Saan siya pupunta? Ayokong malayo sa kahit isa sa kanila, ayoko... Ayoko!'

Nahihikbi ako sa mesa nang madatnan nila ako roon. Nagkumahog akong lumapit kay Papa, pleading that if I could, I'll willingly stop them. It seems that their decision is final. After a week, Papa left our home. I stayed with Mama and Ate Liya. Papa would come and visit every weekend, three years passed and we stayed like it. Mahirap pero kinakaya, kinakaya nalang dahil para lang din naman sa amin ang resulta nito.

Nasa ika anim na baitang na ako, si Ate naman ay nasa third year college na. Konting tiis nalang pag natapos si Ate ako nalang ang mag-aaral. Papa won't have to work from afar, kaya ko naman ang sarili ko. I'm confident na makakapasa ako sa scholarship para sa high school. Kailangan ko lang panatiliin para magka allowance na rin.

Tinatapos ko ang project ko nang dinalaw ako ng pagkaihi. Iniayos ko ang project sa aking desk saka pumunta sa banyo. Nakarinig ako ng kakaibang ingay -- para bang may nahulog o ano man pagkalabas ko ay di ko masukat ang pagkagulangtang.

Ang pinag hirapan kong project ay sira na at nakahandusay sa sahig. Nanlulumo akong umuwi ng bahay, pinaghirapan nila Mama ang materyales na ginamit noon. Nahihiya akong malaman nila na ang pinaghirapan nila ay nasayang lang ng walang dahilan.

"Jana, Anak!" si Papa nang masilayan ako.

"Anak, naghahanap ng makakasama ang anak ng amo ko. Agad kitang naisip, graduating kana anak at maganda ang high school sa Davao, ibang iba rito.." aniya.

Nabuhayan ako sa narinig. Tama si Papa, maganda ang paaralan doon, ibang iba rito sa bukid pero biglang nalugmok ang liwanag ng nadarama ko. Kung aalis ako, paano si Mama? Sinong makakasama niya gayong nasa siyudad rin si Ate Liya.

"Paano si Mama, Pa?" tanong ko.

Napayuko lamang si Papa at naramdaman kong humawak si Mama sa kaliwa kong kamay. The look on her face made my heart broke into thousands of pieces. The way she tried to conceal the longingness that is about to come.

"Anak, sila ang magpapaaral sayo roon." matapang niyang sabi. "Walang maiiwan sa mga pananim kaya dito muna ako." dagdag pa niya.

Gusto kong umayaw sa gusto nila pero di ko naman maitatangging malaking oportunidad rin ang alok na iyon. Dumaan ang maraming buwan hanggang dumating na ang graduation ko. I am the validectorian of my batch. I have to feel happy but it seems that I'm going to lose something. I smiled at my own thought, "Why would I feel that this is my dreaded day? I should be happy right?" I said in the midst of my speech.

My dream since immemorial is slowly comming true so I should be happy right? I have lost conviction on my will. Right after the ceremony, after a simple yet happy and maybe the most treasured meal I had with my inspiration, with the people who taught me thousands of values. For the woman who woke me up on the harsh reality, for the one who tied the string to keep me on the right track, she who made the harsh reality to a lovely and desirable life. I left it for Davao.

Inakala kong magiging madali lahat, marahas ang siyudad, "Jana ano ba?!" singhal ni Elle, ang anak ng amo ni Papa.

Bitbit ko ang sandwich na pinahanda niya. Akma ko na sanang iabot iyon sa kanya nang isinubsob ako sa sahig.

"Ang tagal mo muchacha ka!" singhal niya ulit. "Patay gutom!" aniya at umalis. Napansin ko ang pagdudugo ng tuhod ko, dapat ba pag mahirap ay patay gutom? Sila ba hindi nagugutom.. kasalanan bang sinilang akong mahirap? Kasalanan ba ang magutom? Ganito ba karahas ang lahat sa mahihirap?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ClutchWhere stories live. Discover now