¢HaptEr 43~
Xianne's POV
Nakasakay na kaming dalawa ni Lee sa Black Porsche niya. Buti at maaga kaming nakarating sa Pilipinas.
Kailangan naming patumbahin ang Eros division ngayon, habang sina Xiamella naman ang bahala sa Hercules Division.
Parehas lang kaming tahimik ni Lee habang nasa byahe. Mukhang ayaw niyang makipag-usap sa akin.
But I was wrong, bigla nalang siyang nagsalita.
"Kamusta ang asawa mo?" He coldly said.
I shrugged. "I already signed the Divorce papers. He agreed on my terms."
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha niya. Bakit ang moody ng lalakeng 'to? Parang kanina lang naka-poker face siya. Tsh.
Eros' division is currently hiding in an abandoned school. Kalahati lamang sa members ang nandito sa pilipinas.
"Ako na ang bahala sa ibabang parte. You go to the upper part." Itinigil ni Lee ang sasakyan niya sa isang tagong lugar.
Ikinasa ko na ang baril na ipinahiram niya sa akin. Lumabas na ako sa sasakyan at hinintay siyang lumabas.
Sabay kaming naglakad papunta sa abandoned school. Walang mga tao sa labas kaya siguradong nasa loob silang lahat.
"I know that you can't kill. Patulugin mo nalang sila--" I glared at Lee.
Mukha ba akong mahina?! Nag-ensayo na ako kung paano pumatay ng tao. At tsaka, ang kakambal ko naman ang nag-utos sa akin eh!
"Don't tell me what to do." Umirap ako at pumasok na sa school.
Mabilis akong naka-akyat sa second floor. Nagtago ako sa isang table na nakakalat sa bandang hagdanan nang may marinig akong nag-uusap.
"Alam mo bang malakas ang kutob ko na may itinatago ang Xiamella na yun."
"Ano naman?"
Napangisi ako nang mapadaan na sila sa lamesa. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nanlaki ang mga mata nila.
"X-xiamella?!" Gulat na sigaw nung isa.
Hindi ako sumagot at binaril silang dalawa. Nanginig pa ako nung una pero agad akong nasanay.
Tumakbo na ako papunta sa kabilang parte ng second floor. Alam kong dito nagtatago ang iba sa kanila.
Bigla kong nakita si Lee na nagtatago rin sa isang arm chair na sa sobrang luma ay kaunting galaw mo lang ata dun mawawasak na.
Nilapitan ko kaagad siya. "Akala ko ba sa baba ang aasikasuhin mo?"
He smirked. "Already done. Kaunti lang sila doon."
Napa-iling ako at tinignan ang paligid. Wala pa ring taong nagpapakita sa amin kaya mukha kaming tanga dito na naghihintay ng mababaril.
"I saw what you did." He whispered at my ear. Nagsitayuan pa ang mga balahibo ko.
"See? I can kill anyone. Basta utos ni Xiamella." Tinignan ko ang bala ng baril na hawak ko.
Good. 4 more bullets. May mapapatay pa akong apat na tao. Sana lang ay hindi ko masayang ito. Hindi kasi kami nakadala ng extra bullets.
"Matapang kayo, are you one of Xiamella's Colleagues?" Napatayo kami ni Lee nang marinig ang isang boses.
Hinarap ni Lee ang taong yun habang ako naman ay binantayan ang likuran namin. Mahirap na, baka may umatake sa amin.
BINABASA MO ANG
"ONCE IN A LIFETIME" (COMPLETED) [UNDER REVISION]
ActionGenre: action,romance,drama **** In this World.. Love and Kindness isn't a Thing where everyone wants to experience it.. Marami pa rin ang Naghahangad sa Kapangyarihan.. Being a Gangster isn't Easy.. And Being a Gangster Queen isn't easy too.. She T...