"hoy babae gumagawa ka nanaman ng diary mo. ang baduy ah" pang aasar sakin ni Grace. Umupo naman siya sa katabi kong silya.
"Pake mo ba. Alam mo naman hanggang diary lang ang pag papantasya ko sa kanya ehh" Ako. tinago ko na yung diary ko sa bag ko.
Pakilala muna ako. Nicole Samonte, 16 years old, 4th year student, hindi kagandahan ang itsura, chubby, higit sa lahat mahilig akong mag sulat sa diary ko. And this year 4 years ko ng mahal ang nag iisang Jonny ng buhay ko. Isa siyang sikat na student sa school namin dahil sila ang may ari nito. Running for Valedictorian. Kaya hanggang tanaw na lang ako sa malayo.
Back to reality.
Lunch time na wala naman akong ganang kumain kaya nag paalam naman ako kay Grace na pupunta na lang sa roof top. Dun ako laging tumatambay kapag wala ako sa mood mag lunch. Pag dating ko dun walang tao kaya umupo ako dun sa favorite place ko.
Binuksan ko yung bag ko and kinuha ko yung diary ko. "wala naman akong isusulat. bakit ko ba nilabas to?" sabi ko sa sarili ko. para akong timang kinakausap ko yung sarili ko.
Nilapag ko na lang yun sa may sahig sa tabi ng bag ko. kinuha ko yung phone ko at earphone nag sound na lang ako at tsaka ako pumikit.
Nakaramdam ako na may kumakalabit sakin kaya minulat ko yung mata ko. "hoy bruha malalate na tayo. lagot tayo kay gurilya" Hinatak niya ko kaya walang tingin tingin kinuha ko yung bag ko. Tumakbo kami papuntang room at sakto naman na wala parin yung teacher namin na masungit kaya pumasok na kami.
wala naman excited na nangyari discuss blah blah blah lang at kung ano ano pa. konti na lang at uwian na .
1
2
3
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG
"bye class!" Teacher namin.
Inayos ko na yung mga gamit ko. Lumapit sakin si Grace "bruha bilisan mo. nagugutom na ko".
"patay gutom ka teh" ako. At lumabas na kaming dalawa sa room.
"che wag ka ng epal. mag lakad na lang tayo ok?" Grace.
Nag lakad lang kaming dalawa hanggng sa may gate. May sakayan ng jeep dito sa tapat ng school at dun kami sumasakay.
"Patay gutom ka nga." may pailing iling ko pang sabi.
"Nako parang ikaw hindi ka nagugutom ehh hindi ka nga kumain kanina" Grace. oo nga hindi ako kumain kanina pero hindi naman ako nagugutom.
" ehh sa hindi talaga ako nagugutom ehh" ako.
"Ewan ko sayo. Mag bayad na nga lang tayo." kumuha siya ng 8 pesos sa bag niya.
"Manong bayad nga po" Grace. kumuha din ako ng barya sa bulsa ko at ibinayad. Ilang minutes lang nasa tapat kami nung tindahan na binababaan namin.
"Manong para po." ako. Bumaba na kami. konting lakad na lang at nasa bahay na ko. Una mong makikita ang bahay ko tsa bahay nila Grace.
"bruha sayang hindi mo na kita si papa Jonny ngayon"Grace. oo nga hindi ko siya nakita ngayong araw bakit kaya?. imposible namang aabsent un.
"Ewan ko dun. sige na pasok na ko. ingat sila sayo ahh" Ako. nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Sila pa talaga ang dapat mag inggat sakin. ano ako mamamatay tao". Grace. nag roll eyes pa ang bruha.
"hahaha sige na. babayo" Hinintay ko siyang makaalis at tsaka ako pumasok ng bahay. Pag dating ko wala pang tao baka nasa trabaho pa sila mama at papa. Wala naman akong ibang kapatid, only child ehh.