Spoken Poetry

64 2 6
                                    

*Pakinggan nyo to habang binanabasa para mas tagos hahah*

Spoken poetry


"Paalam"


Susubukan kong lumakad
Patungo sa dulo,
Sa dulo kung saan ang
Pag-asang maging ikaw at ako
Ay akin nang matalikuran
At mabigyang wakas.


Hindi ko na ipipilit pa na ipagpatuloy
And dapat nang mag wakas
Hindi ko na ipagsiksikan ang hinde na
Maipipilit pa,
Pero hayaan mo ako na minsan pa'y
Mahawakan at mahagkan kita.


Hayaan mo akong
Awitan ka da
Huling pagkakataon
Dinggin at damhin mo
Ang himig ng puso
Kong lubos na
Nangungulila sayo
Mahal kita, Paalam na
Ito ang awit ng
Pagmamahal at
Pamamaalam ko sa
Panagarap kong maging
Ikaw at ako.


Sa bawat pagbitaw mo
Ako'y unting-unting
Nalulunod at hinahampas ng mga
Alon palayo sayo. Kaya naman tatalikod na ako sa liwanag
Ng pag-asang maibabalik
Mo ang pagmamahal ko sayo
At ako'y tutungo pansantala sa dagat
Ng kadiliman kasabay ang mga alon
Ng pagkalumbay at pangulila
Kung ito ang tangin paraan upang
Mawaksi ang bugso ng damdamin ko.
Para sayo at nang ako'y madala,
Ng agos patungo sa bagong liwanag
Na tutunaw sa kadilimang
Bumabalot sa puso ko.


Paalam na. Umasa kang Ito na ang huli, Hindi na muling lilingon sa bawat hakbang.
Hindi na tatanawin ang hinaharap,
Ang pangarap na makasama ka habambuhay.
Hindi na yayakapin ang ikaw at ako
Hindi. Dahil sa gabing ito,
Iuukit ko sa mga bituin
Ang mga salitang
"Paalam na"


_______________________________________
                          THE END

Thank you for reading. Sana po magustuhan nyo magpupublish pa po ako ng iba pang poem sa susunod salamat!

Please i-favorite nyo po makakatulong po ito saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PaalamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon