Let's Play.... BLINDFOLD Game! [one shot story]

1.6K 27 12
  • Dedicated kay Rheanel Tee Vasallo
                                    

First time ko pong gumawa ng horror story.. Subok lang 'to..  Sana matakot kayo, I mean magustuhan niyo.. hehehe

Here it goes..

* * *

Let's Play.... BLINDFOLD Game

Kakatapos lang ng school year. Ibig sabihin.... Umpisa na ang nakakapanabik na summer vacation!

Pero hindi para kay Rhea. Masamang masama ang loob na naka-dekwatro sa backseat ng van nila.

"Ayusin mo yang mukha mo na yan, Rheanel." puna sa kanya ng mommy niya.

"I don't wanna go."

"Then you may step out of this van right now! But remember young lady, no phone, no laptop, no t.v and no money kapag nagpaiwan ka dito." yung daddy naman niya ngayon.

"Peste talaga!" bulong niya.

"Everything is set dad!" sumakay na din sa loob ng van ang kuya Kier niya na abala kanina sa pagaayos ng mga bagahe nila.

She gave a frown expression to him.

"Oh bakit hindi ka masaya? Ayaw mo bang makasama yung mga relatives natin doon?"

"Ew. Corny."

"Psh.. Andoon din daw sila Peachy. I'm sure you two would get along. Favorite pinsan mo siya di ba?"

"Shut up kuya. It doesn't make any sense. And you're not helping."

"Ano bang problema mo sis? Dati naman gustong gusto mo magbakasyon tayo dun sa Tagaytay.."

"Well, dati yun. Ngayon, ayokong pumunta sa lugar na yun!"

Hapon na ng makarating sila sa mansyon na tinitirahan ng lolo at lola nila. 

Dumirecho agad si Rhea sa kwarto nila at humilata.

"Napaka corny talaga ng family reunions. Argh!"

Makalipas ang 30 mins. na paghilata, nakaramdam siya ng pagkaburyo. Kaya naman tumayo siya at hinalukay ang mga bagahe nila. Kinuha niya ang ipad ng kuya Kier niya at nag online sa facebook pampalipas oras.

"Unfabulous summer vacation EVER!" ipinost niya sa status niya.

Walang mangyayaring maganda sa buong summer niya kung hindi siya hahanap ng "matinong" bagay na puwedeng gawin.

Maglo-log out na sana siya ng may nagpop up na message  sa screen.

Sarah Manaluz

 "Sino 'to?" tanong niya sa sarili. Wala kasi yang matandaan na may kakilala siyang Sarah Manaluz.

Binuksan niya ang message...

"It's been a year Rhea...."

Hindi niya alam kung anong meron sa message na yun pero nagsitayuan talaga ang mga balahibo niya.

tok tok tok!!

Napabalikwas siya sa pag kakadapa ng may biglang nagbukas ng pinto.

"Excuse me?" isang babae na kasing edad niya lang ang nagbukas ng pinto.

"B-bakit?"

"Ahh.. Pasensiya ka na kung naistorbo kita. Pinapatawag ka kasi ng mommy mo sa garden." nakangiti sa kanya ang babae.

'Bagong maid ata siya nila lolo..' sabi niya sa sarili.

Tumayo naman siya at sumunod sa babae.

"Nung nakaraang taon lang ako dito." sabi ng babae pagkalabas nila ng kwarto.

Let's Play.... BLINDFOLD Game! [one shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon