kabanata 1

50 1 0
                                    

Ilang taon narin akong working student, mga apat na taon na. At masasabi ko talaga sa sarili ko na hindi madali ang pagiging working student. Lalo na't ikaw lang yung bumubuhay sa sarili mo. Mayroon ding times na gusto mo nang sumuko o, wag muna lang kaya ipagpatuloy yung nasimulan mo? Yan minsan ang pumapasok sa isip ko. Pero kung titingnan ko yung family ko, ang hirap isipin na hanggang ganito na lang ba sila. Ang hirap tingnan na ganito ang kanilang sitwasyon. Makakain man lang sana sa tatlong beses sa isang araw. Okay na sana yun.

Tingnan mo yung iba na hindi kapos sa kapalaran. Masasabi mo talaga, mabuti pa sila hindi ganito ang kanilang buhay. Nakakakain sila sa tatlong beses sa isang araw. Minsan pa nga sobra pa, may pang snack pa yan sila. Nag-aaral din sila sa magagandang paaralan, o kaya naman sa mamahalin. Nabibili nila ang kanilang gusto sa buhay.

Malapit na ang simistir hindi mo alam kung saan ka maghahanap ng pera para sa tuition fee mo. Kulang yung sahod mo para sa isang buwan lang. Gusto mo sanang manghingi sa parents mo, pero naalala mo agad na, walang wala nga pala sila. Mga kaklase mong anak mayaman makikita mo sa kanilang mga mukha na hindi nila problema yang mga bagay na yan. Pumupunta sila sa isang lugar o mangibang bansa para makapag relax. At ihanda ang sarili sa nakatakdang exam. Iwas wrinkles ang mga peg. Ikaw naman halos magkandarapa kana sa pag ipon ng pera. Todo tipid lang ang peg. Bibili ng shampoo kay aling Melag. Dapat apat yung laman hanggang mga tree weeks yan ha. Tipid eh.

Naghahanap ng sideline para pang dagdag sa perang inipon mo. Napakalaki ng eye bags parang sinuntok lang ng jowa. Galit ang boss mo, tatanga kasi. Pa'nu ba naman sumubsub na naman ang mukha mo sa mesang nakahandusay sa mga maraming pagkain. Hiyang-hiya ka naman sa sigaw ng boss mo. Pagod kana kasi, gusto mo ng matulog. Maaga ka pa dapat bukas, bawal ma late sa unang subject... masyadong fierce ang professor mo.

The life in EarthWhere stories live. Discover now