Chapter 31
“Sigurado ka naba sa desisyon mo?” tanung ni Grace sakin kinabukasan ng puntahan nya ako dito sa bahay nila Ash.
Tumango-tango ako. “Oo,”
“Pagisipan mo munang mabuti, Jessica.”
Umiling ako. “No! My decision is final. Gusto ko ng makalaya kay Daryl.” Sabi ko.
“I tought you love him already?”
Napatawa ako ng mapait. “Kung dahil sa pagmamahal na ‘yun ay nakakaranas ako ng ganitong klaseng sakit, Mas mabuti pang wag nalang.” Sabi ko.
Yumuko ako para iwasan ang mga mata ni Grace na matamang nakatingin sakin, Kinagat ko ang labi ko.
Ikinagitla ko ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at nakitang si Daddy ang tumatawag.
“Hello, Dad.” Utas ko.
“Jessica!” isang napakalakas na sigaw ang binitawan nya. Napapikit ako pero hindi ako pwedeng magpatinag.
“Dad.”
“Where are you?” tanung nya.
“in my friend house.” Sabi ko.
“Umuwi kana.. sa bahay nyo ni Daryl.” Aniya.
“No dad!”
“What?”
Humugot ako ng malalim ng buntong-hininga bago sumagot. “Sa bahay NATIN ako uuwi. I want to talk to you.” Sabi ko.
Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos.
Nung 5pm na ng hapon, umalis na ako sa bahay ni Ah. Nagpasalamat ako sa kanya. Hinatid ako ni Grace at pinsan kong si Jerome sa bahay namin pero umalis din sila pagkatapos, Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng striktong mukha ni dad na nakaupo sa sofa.
“Dad.”
Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisnge. “Where have you been? Anu bang nangyari, Jessica?” tanung nya sakin.
“Umalis na po ako sa bahay naming ni Daryl”
“What? Are you crazy? Anu bang sinasabi mo?”
Kinagat ko ang labi ko. “I can’t…” suminghap ako. “take this anymore dad.”
Dinaluhan ako ni daddy. “What happen?”
“I want to stop the engagement. Ayoko na po.” Umiiyak na sabi ko
“Bakit?”
“Dad, hindi kami magwo-work out ni Daryl, magkakasakitan lang kami.” Sabi ko.
“Baka pwede nyo pa yan pagusapan anak,”
Umiling-iling ako. “No dad. Hindi na ito magpaguusapan kaya please.. Dad, Ayoko na.. Pagod na po ako.” Sabi ko tapos umalis na at umakyat sa kwarto. Umiyak ako buong gabi, Enrollment na bukas at pakiramdam ko ay ayoko ng magaral dito,
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Genel Kurgu“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...