Minahal ko siya,subalit nahanap nang iba
ako'y pinaasa ,naglahong parang bula
tapos nalamang masaya na sa piling ng iba
hinayaan ako't iniwang mag-isa
sa sandaling ito labis akong nasaktan
paglisan niya'y aking dinaramdam
pag-inom ng alak aking natutunan
umiyak sa barkada'y aking naranasan
ngayo'y wattpad akin ngang natagpuan
nilikha kong tula akin ng mapapakinabangan
dahil sa'yo ,nilikha'y may mapuntahan
maibabahagi ,kahit sino pa man
wattpad,ikaw ang dahilan kung bakit masaya na ako
ikaw ang natatanging inspirasyon ko
kasama kita sa pagtahak ng tagumpay ko
di iiwan ,pagkat bahagi kana ng buhay ko
sa'yo nalibang ang sarili ko
nakalimutan ang lalakeng bumalewala sa puso ko
ang nagpatigil sa hikbi,kung siya'y naalala ko
salamat at tulad mo ang nakilala ko