Nandito ako ngayon sa campus naglalakad kasama ang bestfriend ko nang may dumaang gwapo.
"Best ang gwapo niya no?" bulong ko sa bestfriend ko.
"Ha? Hahahaha. Mas gwapo pa ako diyan. Hahaha" sabi niya.
"Mukha yatang humangin ng malakas ah? Ang yabang natin ah? Hahaha." sabi ko sabay hampas sa balikat niya.
"Aray. Eh totoo naman diba? Marami kayang nagkakagusto sakin dito. Pasalamat ka nga at ikaw ang palaging kasama ko hindi sila.
Nagsmile ako sa kanya. "Oo nga no? Bakit wala kapang girlfriend?" tanong ko.
Naging seryoso ang mukha niya. "Kasi may inaantay ako." sabi niya.
"Talaga? Sino yun? Sino?" tanong ko.
"Basta kilala mo siya. Kilala-kilala mo." sabi niya at ginulo yung buhok ko.
"Yung buhok ko. Psh. Di na ako papansinin ng crush ko nito." sabi ko.
Tumawa siya at yinakap ako. "Papansinin ka nun ang ganda mo kaya. Lika na. Hatid na kita sa inyo.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Oh? Bakit? Mabaho ba ako?" sabi niya.
"Baka mapagkamalan ako nilang girlfriend mo. Patay ako sa kanila pag nagkataon." sabi ko.
Inakbayan niya ako sabay sabi "Ayaw mo nun? Ang gwapo ng boyfriend mo. Hahaha."
"Ayan ka na naman. Hahaha. Lumakad na nga tayo."
"Sana alam mo." may sinabi siya. Di ko narinig.
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Ahh. Sabi ko 18th birthday mo na bukas. Di ka ba excited?" tanongniya.
"Hala oo nga pala. At dahil wala pa akong boyfriend ikaw muna yung 18th dance ko okay?" sabi ko.
"Hahaha walang problema. Malakas ka sakin eh." sabi niya at ngumiti.
"Salamat best." sabi ko at ngumiti.
"Sige. Nandito na pala tayo." sabi niya at tumigil sa labas ng bahay namin.
"Pumasok kana." sabi niya.
Habang papalapit na ako sa gate namin tumakbo ako pabalik sa kanya at niyakap siya. "Salamat sa lahat ng ginawa mo." sabi ko.
Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang noo ko.
"Sige na. Pumasok kana. Gabi na eh." sabi niya.
"Sige. Pumunta ka bukas ah?" wika ko.
"Oo. Sige na." at ngumiti siya.
Pumasok na ako sa bahay at handang-handa na ang lahat ng gagamitin sa debut party ko.
"Hi ma. Hi pa." bati ko sa kanila.
"Hi anak." sabi nila.
"Nak kumain ka na ng dinner dyan at matulog kami na bahala dito." sabi ni mama.
"Opo." sabi ko at dumiretso sa kusina.
Kumain na ako at tumungo sa kwarto ko, nagbihis at nahiga sa kama.
Kinuha ko yung cellphone ko.
1 New Message
From: Raven
Best. My ssabihin ako bukas.
Yun lang?
To: Raven
Okay. Cge matutulog na ako ah? I need beauty sleep. XD Nyte2x
From: Raven
Cge. Gud night Beriah.