Sabi Nila, Sabi Ko

16 2 0
                                    

Madalas kung may pagkakamaling nagawa,

Nakatuon lamang ang tao sa 'yong pagkakasala.

Magbibitaw ng salitang mapanira,

Nang di namamalayan ang kanilang ginagawa.


Hihilain ka nila pababa,

At walang marunong umunawa.

Ang salitang nabitawan na,

Hindi na kailanman mababawi pa.


Puno ng galit at pagkainggit,

Walang ibang ginawa kung 'di manlait.

Sa salita sila nakakabawi,

At 'di nila aaminin, sila din naman nagkakamali.


Bumangon ka at palitan iyong nadidinig,

Sa sarili at sa Kanya ka makinig.

Marami ang nagmamahal sa 'yo,

Kaya mahalin mo naman ang sarili mo. 

#StrongWordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon