"Hoy!! Jessica!" Sigaw mo sa'kin.. Di kita pinapansin. Tss, puro ka 'hoy! Jessica!' Wala ka na atang alam na ibang salita, e. Hahaha.
"Hoooooooy!! Baka tinatawag kita diba?" Sigaw mo sa tenga ko.
"Ay, ano yun? Ano yun? Tinatawag mo ba ko?" Bingi-bingihan kong sabi..
"Hindi. Hindi kita tinatawag." Sarkastikong sabi mo.
"Ahh, sge. Akala ko kase tinatawag mo ko." Sabi ko naman at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko.
"Tae naman, oh! Samahan mo ko sa cafeteria." Hila mo sa'kin patayo.
"Baket ako pa? Tss. Pwedeng iba naman." Pagrereklamo ko tapos umupo ako ulit.
"Eh, ba't ba? Wala nang iba e. Tsaka sabi ng puso ko, sayo raw ako magpasama.." Pagdadahilan mo.
'Sheeeeet of paper. Ayan ka nanaman sa mga kakornihan mo na ikinakakilig ko.'
"Hala? Hala? Ang korni. Sapakin ko mukha mo e." Oh, jusko!! Samahan niyo kong pigilan ang kilig na 'to!!
"Hahahah. Samahan mo na kase ako. Libre ko." Sabi mo pa.
"Ohh? Talaga? Osge, tara na!" Sabi ko naman at tumayo na.
Hinila mo naman ako tapos nagtungo na tayo sa cafeteria..
'Gaaaaaash, hawak hawak mo kamay ko!!'
--x
"Anong gusto mo?" Nakatingin ka sa'kin..
Ba't ba ang gwapo mo?? Sarap kurutin ng pisngi mo. Hahahah. Huwaaaaah..
"Ikaw."
Anobayaaaaan! Sana, mukha ka nalang. Hahahaha. Naman, oh!!
Ngumiti ka naman..
HEAVEN!!
HAHAHA!
"Hahaha. Ano? Ako gusto mo? Hindi ako libre." Sabi mo naman..
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko yun..
"HA?! Anong pinagsasasabi mo?!" Sabi ko sabay batok sayo..
"Aray! Sabi mo kase ako gusto mo." Wika mo.
"Ano... Ang sabi ko ikaw, para mapatay na kita at para wala nang asungot na nangungulit sa'kin." Pagpapalusot ko.
Fudge. Ano ba yung pinagsasasabi ko?!!!
"Hahahaha. Okay. Oh, ano ngang gusto mo?" Tanong mo ulit.
"Carbonara." Sagot ko.. Tapos naghanap na ko ng upuan..
"Haaaaaaaay, ano ba yan. Jess!! Kung ano anong pinagsasasabi mo.." Bulong ko sa sarili ko..
"Huy, baliw ka na." Bigla ka namang nagsalita.. Di ko alam na nakabili ka na pala.
"Tsk." Yan nalang ang naisagot ko.
Pagtapos ng ilang minuto, bumalik na tayo sa klase..
Blah...
Blah...
Blah...
Blah...
"Hoy, Jessica!" Bulong mo nanaman sa'kin..
Nilingon kita.. "Ano nanaman?!" Mahina kong sabi sayo, at baka marinig tayo ng teacher..
Ang gwapo mooooo!!! Gulo gulo yung buhok mo dahil kagigising mo lang.. Natulog ka nanaman kase sa klase. -_-
"Anong oras na?" Tanong mo..
Pati ba naman pag sasalita mo, ang gwapo na rin tignan.. Suntukin na kaya kita? Para pumangit ka naman. Lahat nalang kase ata sayo, gwapo at maganda tignan, e.
BINABASA MO ANG
Hoy, Jessica!! (Oneshot)
Teen Fiction"Hoy, Jessica!!" Ayan ka nanaman sa 'hoy' na yan! Kailan mo kaya ako titigilan??