Jaimie's POV
''Ang kyut mong matulog para kang tuta'', ang lambing ng boses ah. Wait, kilala ko yung tonong yun ah.
''WAH!'', I screamed like a crazy lunatic. Sino ba namang hindi mapapasigaw? Yung prince charming mo ang unang mukhang makikita mo sa umaga. And just like a retard, dinamba as in tumalon ako sabay yakap kay Clive, halos maoff balance na sya at magpatak sa sahig. Teka, bakit ko nga ba yun ginawa?
Pinukpok ko sya sa ulo,''Ah'',he shouted. Yepey, hindi ako nananaginip kasi nasaktan sya.
''Bakit mo ako pinukpok?''
''Para malaman kong totoo ka at hindi ako nananaginip.''
Natawa sya, why o why? "Shunga, di ba dapat sa sarili mo yun ginawa?''
Oo nga no, nawala lang po sa katinuan kasi may gwapong nilalang sa harap ko. Teka,''HALA!Anong ginagawa mo dito?!'', ngangayon lang na processed ng utak ko na si Clive Jerald Montenegro ay kaharap ko ngayon. As in face to face. Dito sa kwarto ko!
''Malamang ginigising ka.''
''Anong ginigising?''
''Malamang may pasok kaya tayo. Nakalimutan mo na agad no kasi pinagpapantasyahan mo na naman ako buong gabi?'', shunga. I acted without thinking, by all means, binato ko sya ng unan.
''Tresspasser ka!''
''I had your mom's permission'', ay grabe pasimuno pa pala si mama. Way to go! Lalala.
''Maaga nga palang umalis ang mama mo para ihatid ang kapatid mo sa field trip nya. Nakalimutan mo siguro yun no? Buti na lang dumating kaagad ako.Wag kang mag alala, naihanda ko na ang pampaligo mo, naplantsa ko na rin ang uniform mo, nakiwihan ang sapatos at nagluluto na ako ngayon ng almusal natin'', what the? Nanlaki ang mata ko as in as huge as jupiter! Ginawa nya talaga yun?
''Bakit tulala ka dyan? Gusto mo pang paliguan kita?''
''Shungaers ka talaga! Hindi naman kita yaya ah! Bakit mo yun ginawa?''
''Galit ka nyan?'', bigla syang nagpout.''Hay naku. Ikaw ang prinsesa ko kaya pagsisilbihan kita sa ayaw mo at sa gusto!'', bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bakit parang lagi syang may kotable quote na iniiwan sa isip ko? Ikaw na talaga Clive!
''Teka, eh bakit ang aga nating papasok?11 pa klase ko eh 7 pa lang naman.Tapos di ba 10 pa klase mo?''
''Liit, maglilibrary tayo ngayon. Mag aaral tayo para sa exams.''
Wow naman, pati tutor ko kinareer na nya. I can't help but smile hanggang sa walang kaano ano'y binuhat ako ni Clive in bridal style manner, papunta sa banyo.
''Maligo ka na oh. Ang baho mo na.''
"Shut up singkit'', with matching belat.
Agang aga ang saya ng araw ko oh. Thanks Clive for this wonderful morning. I hope this lasts forever.
Matapos kong maligo ay inenjoy naman naming dalawa ang pagkain ng "Clive's world famous breakfast'' featuring his super sarap sinangag ala-Montenegs, plus bacon and egg. Hindi nya ako tinigilan hangga't hindi ako nakakasecond helping. At nag asta pang dietician ko, kelangan ko daw magkalaman para hindi ako magkasakit. Ay grabe, sya na ang sweet. Mabanas pero nilalamig ako sa kilig.
Pumasok kami nun na sobra ako sa saya. Ang sarap palang kakwentuhan ni Clive. Feeling ko tuloy nakasteady lang ang oras at walang kayang sumira ng napakaperfect moment namin.
Pagkadating na pagkadating namin sa school, nakita ko ang mga pangutyang glare ng mga echoserang fangirls ni Clive. Mga tao nga naman oh, kanya kanyang version ng chismis na ang tumatakbo sa isip ng mga yan. Kesyo hindi ako bagay kay Clive, ganyan ganun, pero bahala sila. Iispin ko pa ba yung comments nila eh akin na ngayon si Clive at hindi sa kanila, matatakot pa ba ako na baka maagaw nila sa akin si Clive, well...sa totoo lang natatakot akong baka magising na lang ako isang araw na pagpapantasya ko lang pala ang lahat but when Clive smiled at me, I felt at ease na walang bahid ng pangambang baka maagaw na sya ng iba. Erase, erase na nga ang mga thoughts na yan, I shall not dwell with the future anymore, kaya nyang problemahin ang sarili nya, nabubuhay ako sa ngayon at it is best to live in the present and savor it until the last moment.
BINABASA MO ANG
Memento : DP ako ni Crush's Sequel (ongoing)
Teen Fictionang storyang nasimula sa DP, magkaroon kaya ng happy ever after? :D