Paano mo malalamang crush mo siya? Sinasabi ba ito ng utak o ng puso mo?
---:::---
Dear Readers,Akala ko nung una siya na. Akala ko kaya din niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Crush? Diyan ako nagsimula. Humanga ako sa taglay niyang kaguwapuhan hanggang sa naging love ito. Crush ko na siya since grade 5 at ngayon grade 7 na ako.
Ginawa ko ang lahat mapansin lang niya ako pero wala ata talagang patutunguhan. Hindi ko alam kung pagpapakatanga ba kung matatawag ang ginawa ko.
I treat his all friends para lang mapalapit sa kaniya. Yes. I did that because i want to be with him. My friends told me na pineperahan lang niya ako. Pero hindi ako nakinig sa kanila. Sa recess time namin hindi ko na nasasamahan ang mga friends ko dahil nandun lang ako sa kanila nakikitawa kahit na alam kong napipilitan lang sila na makasama ako.I even cry sa harap ng hall. At sa harap ng mga classmate ko nung mga panahong hindi ko alam ang ginagawa ko.
Hindi ko nalalamanan ang mga pinaggagagawa ko. Nabubulag ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Until one day he text me.
"Pwede mo ba akong tulungan?"thats not the exact na nakasaad sa text pero sa pagkakaintindi ko ay yan ang gusto niyang ipahiwatig dahil sabi niya sa akin ay may gusto siyang ligawan na kilalang kilala ko.
I said YES. I know hindi dapat yan ang sabihin ko pero hindi ko alam na ganiyan ang sasabihin ko sa kaniya. Alam ko napakatangang tingnan at pakinggan. Akala ko kasi kapag naging tulay ako ay baka mapansin din niya ako pero I was so shocked ng malaman ko kung sino yung liligawan niya. It's my cousin.
Tumawa ako sa harap niya but deep inside wasak na. Practice nila ng table tennis. That day. They are very sweet. Tapos tong kaibigan ng pinsan ko. Talagang pinupush pa niya sabay tingin sa akin. Natatawa na lang talaga ko. Pero ang totoo ay hindi yan ang dapat na maramdaman ko. Alam ko sa sarili ko dahil katawan ko toh!
Mayroon pa yung hinihintay ko talaga siyang umuwi. Hanggang sa umuwi na lahat ng kaibigan ko. Nagpaiwan ako dahil hihintayin ko siya. Pero ng uwian na nila ay umuwi rin lang akong mag isa hindi ko kasi alam na ihahatid na pala niya yung girlfriend niya. Oo tama sila na ng pinsan ko.
Alam ng pinsan ko na may nararamdaman ako towards sa boyfriend niya. Akala ko maiintindihan niya pero hindi. Dahil sa harap ko pa mismo niya ipagyayabang ang relasyon nila.
Kada hapaon pumupunta kami ng 7/11. Treat ko. Alam kong ang tanga tanga ko ng mga oras na yun pero wala akong magawa dahil kusang gumagalaw ang katawan ko.
And then one night. May nag text sa akin. Friend siya ng cousin ko. He/she text me kung pwedeng manligaw. Sinagot ko siya na hindi pwede dahil bata pa ako at tyaka he's not my type. Kinaumagahan nun ay nalaman ko na inutusan siya ng pinsan ko para daw tigilan ko na yung boyfriend niya. Nasaktan ako ng sobra. Akala siguro ng pinsan ko kaya kong landiin yung boyfriend niya pero shes so wrong dahil kahit na mahal na mahal ko na yung guy hindi ko yun magagawa dahil i respect her.
The guy chat me. At sabi dun sa chat niya na lubayan ko na daw siya. Panira daw ako sa buhay niya. Sagabal daw ako sa lahat ng gagawin niya. At higit sa lahat wala daw akong kwenta. Akala ko noong una magigising na ako dahil sa sinabi niya pero hindi pala dahil pagsamantala lang pala. Nagbalik din agad ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Pero after 2 months na bakasyon. Unti unti ko siyang nakakalimutan pero nung pasukan ulit ay hinahanap hanap na naman siya ng mata kong tanga at puso kong napakatanga.
Pero dahil sa isang guy na dumating i realize something. He's in grade 7.
Itinuon ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Pero meron parin talaga hanggang sa dumating yung birthday ni Maynard,the first guy.Niregalohan ko siya ng damit,pabango at wax. Pinabigay ko toh sa teacher nila. Dumating ang gabi. Nag chat siya sa akin bigla. At nagtanong kung ako daw ba ang nagbigay sa kaniya ng gift ang sabi ko hindi. And then tinanong ko siya kung anong nakalagay sa card na pangalan ang sabi niya ay Kietiu Yasa. Pero sa huli na napaamin rin lang ako.
Three days later. Nagkaroon kami ng bet. Pag nag top ten ako liligawan niya ako pag hindi ay wala na. Um-Oo ako kasi nga tanga ako diba?
Pero days after. Nalaman ko sa pamangkin ko na he just did that kasi hindi na niya alam ang gagawin niya sa akin. Hindi ako umiyak siguro na immune na rin tong puso ko sa sakit pero sabi ng pamangkin ko naluluha ako pero hindi ko naramdaman na parang gusto kong umiyak.
Dahil sa nalaman ko nagising ako bigla. Ngayon para na lang siyang bangongot. I realize something.
Natanong ko yung sarili ko. Bakit ba ako nagpakatanga sa isang lalaki na hinahangaan ko lang naman? Bakit ako nagsayang ng oras sa taong alam kong kahit na anong gawin ko ay hindi niya ako magugustuhan. Dahil sa mga katanungan na yan. Unti unti ko siyang nilimot.
And now? Im in grade 9 and kapag tumitingin ako sa kaniya natatawa na lang ako sa ginawa ko dati, sa katangahan ko sa kaniya. At kapag tumitingin ako sa kaniya ay wala na.
I already learned my lesson. He teach me how to doggy. Char. He teach me not to chase someone but they should be the one whose chasing me. Hindi ako maganda. Aaminin ko pero tao rin ako na dapat pahalagahan at mahalin ng lubusan.Isa lang ang masasabi ko I already moved on.
---::/---
Sa mga readers? Huwag kang magpakatanga sa kaniya. Nung minahal mo siya anong unang inisip mo? Nung minahal mo siya? Naisip mo ba ang future niyo o nag imagine ka lang nakasama mo siya?
Gumising ka na diyan sa kabaong mo. Its time to wake up! Huwag kang gumaya sa akin! Nang marealize ko lahat guminhawa ang buhay ko. Gumaan ang puso ko at naging peaceful ang utak ko.
Siguro sa simula lang mahirap yan pero pagnagtagal ay makakaya mo rinlang. Nasanay kana kasi na andyan siya. Nasanay kana kasi na hinahabol mo siya. Try mong tumigil. Magpahinga. Parang sa pagsasayaw lang yan. Pag pagod kana na ikaw lang ang gumagalaw. Tumigil kana wala rin lang patutunguhan yan. Magiging pangit rin lang ang performance niyo. Kapag pagod kana kakapractice bumalik ka sa realidad kung saan kaya mong sumayaw mag isa. Kaya mong harapin ang mga tao ng mag isa. At ngayon pag nagawa mo yan? Sasaya ka. Kung masaya ka noon dahil kasama mo siya kahit na nasasaktan ka paano pa kaya kapag lumaya ka sa kaniya? Edi mas masaya? Dahil magagawa mo na ang gusto mo at wala ng lungkot pa ang pipigil sayo. Okay? Try something new huwag mag stick to one lalo na at nasasaktan ka at single ka pa!
Learn your lesson don't do it to your future...again.Pahalagahan mo din ang sarili mo. At hindi porke mahal mo siya eh magpapakatanga kana. Be a wise woman. Madaming lalaki diyan hindi man tulad niya eh baka naman mas higit sa kaniya pero kapag mas less sa kaniya eh baka ikaw ang pupuna nito para maging higit siya? Time to say goodbye!!
Bye readers!!!
Love,
Kitty Pearly
YOU ARE READING
Crush?(one shot)
Short StoryHow to be a wise woman pagdating sa love? Syempre ikaw lang makakasagot niyan. Its the way how you hold on into that heartache. Be stupid as you are pero dadating yung panahon na marerealize mo na may something nagusto mong gawin. Im Kitty Pearly...