End This War

758 15 1
                                    

End this War

by Jonaxx

Rate: ★★★★★

Synopsis:

Alam mong kalaban pero nagawa mo pa ring mahalin.

Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka pa ring nagpupumilit.

Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal.

Pero masarap pa rin ba pag nagkasakitan na?

Masarap pa rin ba pag pinaiyak ka na?

Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan?

Hanggang kailan  mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?

Nang dahil sa pagkakasangla ng Alps, lupang dating pagmamay-ari ng mga Alde, sa mga Dela Merced, ay napilitang umuwi si Chesca sa Alegria upang doon mamuhay ng simple at tulungan ang pamilya.

Desisyong tinutulan at labag sa loob nya simula pa lamang pero wala syang magagawa dahil sa napipintong pagkawala ng Alps, ang pangunahing pinagkukunan nila ng pagkakakitaan.

Lupang isinanla ng kanyang namatay na lolo sa mga Dela Merced dahil sa pagkakatalo nito sa sugal.

Dahil dito napilitan syang manirahan at mag-aral ng kolehiyo sa isang community college sa Alegria.

Upang mabawi ang Alps at makabalik na sa Maynila, sumang-ayon sya sa plano ng kapatid at pinsan nya na akitin at paibigin ang nag-iisang tagapagmana ng kalaban, si Hector  Immanuel dela Merced. Itinuturing na diyos ng Alegria.

Sa pamamagitan ni Hector, ay makukuha ni Chesca ang titulo ng lupa at mababawi na ang negosyo ng pamilya.

Pero nang matuklasan nya na nagkamali sya sa kanyang akala ay tumigil na sya sa plano at lumayo kay Hector.

Alam ng bayan ng Alegria na lubog na ang negosyo ng mga Alde kaya tinutulan halos ng lahat ang pakikipaglapit ni Chesca kay Hector. Iniisip nila na ginagamit lang nito si Hector para makaahon sa kahirapan.

Alam ito ni Hector pero binalewala nya dahil sa atraksyong nararamdaman nya kay Chesca .

Ngunit may isang pangyayaring naging dahilan para magkahiwalay at kamuhian nila ang isa't-isa.

Posible pa kayang muling magtagpo ang landas nila at kalimutan ang sakit na dinulot ng isa't-isa sa ngalan ng pag ibig?

Posible kayang kasabay ng galit, ay ang pagmamahal na nararamdaman mo sa iisang tao?

Kaya bang labanan at talunin ng pag ibig ang galit na nararamdaman?

Ang tanong, hanggang saan ang kaya mong ipaglaban?

Reviews: Spoiler Alert!

Bakit ko nga ba babasahin ito? Eh bakit nga bah?

Unang una, dahil gawang Jonaxx lang naman ito.

Pag sinabing Jonaxx, de kalidad, tipong di basta basta at siguradong gawang magpapalawak ng imahinasyon mo.

Istoryang may "LL", lalim at laman.

Alam mong walang masasayang na oras kung pagtutuunan mo ito ng pansin. Kumpletos rekados ika nga.

Kung sa Mapapansin Kaya ay may Wade "Sexy" Rivas,

Rozen "Sexy Beast" ng Heartless at sparkling abs ni Jacob sa Baka Sakali, dito ay may mala diyos sa kagwapuhan at kakisigan na Hector dela Merced.

Isa sa mga nagustuhan ko dito ay kung paano ang pagkakahulma sa karakter ni Hector. Isang lalaking wagas kung magmahal.

Isang lalaking handang iwanan at ibigay ang lahat para sa babaing mahal.

Isang lalaking handang ipaglaban ang kung anumang pagmamay-ari nya kasama na doon ang babaing bumihag ng puso nya.

Isang lalaking handang kalimutan ang lahat para makamit lamang ang pag ibig na inasam asam.

Habang si Francesca "Chesca" Alde naman, isang babaing palaban, wais, at tuso.

Isang babaing kayang magpayuko sa diyos ng Alegria.

Ang babaing kahinaan ni Hector.

Nung una, naiinis ako sa karakter ni Chesca, dahil sa pagiging tuso nya. Pero kalaunan ay hinangaan ko sya kung paano sya bumangon mula sa pagkakabagsak.

Dahil sa kabila ng tigas ng kanyang puso ay may puwang pa rin pala ang pag ibig nya kay Hector.

May isang scene dito na nagpakilig ng todo todo sa akin.

Ito yung inalok ni Hector ang pinag inuman nya na mineral water kay Chesca pero tinanggihan ito ng huli at sinabi ito ni Hector, " Ang arte arte nito eh sa bibig ko rin naman ang bagsak ng labi mo."  Hahahaha.. Tawang tawa ako sa banat ni Hector dito habang namamatay sa kilig. Graveh lang ah. Havey na Havey!

Natatawa ako palagi pag bumabanat na si Hector dito at tipong babatukan na lang sya ni Chesca.

May isang linya pang sinabi si Hector dito, parang ganito ata yun,

"Sige magsungit ka pa Chesca at aagawin na talaga kita sa kanya,"

Sino ba naman ang hindi kikiligin nyan diba? Nyeeeee.

Story wise, check na check, approved na approved.

Simula sa font size, sa linya tipong di mababaw, spacing at sa lahat lahat na. Two thumbs up palagi Ms Jonaxx.

Well, lahat naman ata ng gawa ni Jonaxx at bawat isa dun ay papaganda ng papaganda. Tipong aabangan mo talaga dahil siguradong may idadagdag syang sangkap sa bawat istoryang ginagawa niya.

Nasurpresa din ako sa POV ni Hector sa huling chapter ng istoryang ito.

Malalaman mo kung anu-ano yung mga saloobin nya simula ng unang magtama ang mata nila ni Chesca hanggang sa magkasakitan sila.

Pero may napansin lang ako dito, nakukumpara ko kasi to sa Baka Sakali nina Jacob at Rosie. Parang magkakahawig lang din kasi.

But nevertheless, pinasaya, pinakilig, nagalit, at nasaktan ako sa storyang ito. Salamat sa samu't saring damdamin na pinadama mo Ms Jonaxx. Saludong saludo talaga ako sayo. Bilib na bilib din ako sa passion na pinapakita mo dahil sa halos araw araw na updates.

Thank you uli sa isa na namang napakagandang likha mo. Congratz din!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon