Abcd POV
"Xander" yan ang huling banggit ko habang palapit ng palapit sakin yung holdaper o kidnapper.
"What are you doing?" Walang buhay na sambit nito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung imumulat ko ba ang mga mata ko o pananatilihin itong naka pikit. Baka kung anong gawin nya sakin.
Naramdaman ko na nakatayo lang sya sa tabihan ko kaya naman minabuti ko ng buksan ang mga mata ko.
Ngunit naka tungo pa rin ako at sumilip ng konti sa taong nasa harap ko. Tama ako sya pa rin yung lalaki sa grocery kanina. Mahaba ang jacket ang suot.
"Please po maawa kayo sakin wala po akong pera kaya wala kayong makukuha sakin puro pagkain lang po ang dala ko kung gusto nyo sa inyo na lang basta wag nyo lang po akong sasaktan"
"Marami pa po akong pangarap sa buhay gusto ko pa pong magkaron ng pamilya at magkaron ng anak at sana yung lalaking gusto ko ang maging tatay ng mga anak ko kaya please please po wag nyo po akong kikidnapin. Hindi pa nga kami nagkakaroon ng closeness sa isat isa kaya hayaan nyo muna na mangyari yun. Sayang naman napaka gwapo pa naman nya tapo.... " pagmamakaawa ko sa kanya.
"Stop! Your crazy but whose that man huh?!! ."
Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Kaya naman tumingala ako para makita sya.
Sa unti unting pagtingala ko ay unti unti ko rin nakita ang buong hitsura nya. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ito kahit na naka sombrero pa sya.
"Xan..... ......Der??"
"Get up" seryosong sambit nito.
Pinilit ko namang tumayo pero bumgsak pa rin ako. Mabuti na lang at nasalo ako ng kaliwang kamay ni Xander.
Tiningnan nya ang tuhod ko at binuhat na lang ako.
"Anong ginagawa mo?" Nahihiyang tanong ko.
"Hindi ba ovbious? Im carrying you" sambit nito.
"Kaya ko naman maglakad"
"Wag ka ngang choosy ikaw na nga tong tinutulungan" naiinis nyang sabi.
"Eh sino bang may kaslanan kung bakit nagkaganito ako? Hindi ba at ikaw rin kung sana hindi mo ako sinusundan eh hindi sana kita mapapagkamalang holdaper o kidnaper" paliwanag ko sa kanya.
"I just want to see you even if Im not beside you" seryosong sambit nya.
Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya yon sakin. Kelan lang sobrang nagagalit sya sakin tapos ngayon yun sasabihin nya.
Pero hindi ko man aminin masaya ako sa mga sinabi nya nakapag pagaan ng loob ko. Ayoko mang mag jump sa conclusion pero hindi ko maiwasan.
"Is this your appartment?"
"Oo ibaba mo na ako" pero parang wala syang narinig at nag tuloy lang na pumasok sa gate. Itinuro ko naman kung san ang pinto ng appartment ko. Ibinaba nya ako sa sofa at nagtanong.
BINABASA MO ANG
Maid Of The Soon To Be Mafia Boss
Novela JuvenilMahirap pero nakakayang mabuhay, mag isa pero masaya, iniwan pero nagsusumikap isang simpleng buhay lang ang meron ako pero ang hindi ko alam maiiba ang guhit ng kapalaran ko ng maging isa akong PERSONAL MAID ng soon to be MAFIA BOSS. My Mafia boss:...