Chapter 13 (Last Chapter)

985 64 19
                                    

Kisses' POV:

Dahan dahan kong binubuksan ang aking mga mata, sa kaloob looban ko ay umaasa akong ang mukha ni Edward ang unang kong makita.

"N-nasan ako!?"

Agad akong napaupo sa pagkakahiga ko ng pagmulat ko ay bumungad sakin ang hindi pamilyar na kwarto.

"Edward? Edward!"

Tinatawag ko ang pangalan ni Edward, hinihintay kong pumasok sya sa kwarto nato at kunin ako.

Dahan dahan akong bumababa sa kama ng biglang bumukas ang kwarto.

"Edwa---sino ka?"

Bigla akong nalungkot ng ibang tao ang pumasok,

"You're awake, thank goodness"

Mabilis siyang lumapit sakin at mahigpit na niyakap ako, kumilos ng awtomatiko ang mga kamay ko at tinulak siya, napayakap ako sa sarili ko.

"Sino ka? Nasan ako? Asan si Edward?"

Mukhang nagulat siya ng maitulak ko siya, pero nginitian nya ako maya maya lang.

"You don't remember? Kinuha ka namin ng Tito Ryan sa bahay nung Edward, bat ka pa mag ste-stay doon kung si Tito Ryan ang pamilya mo? At tsaka, you fainted. Nahimatay ka, buti nalang pumasok ako ulit at nakita ka. Hinayaan ka lang kasing nakatihaya nung Edward sa sahig, wala siyang pake, kaya wag mo na siyang hahanapin. You slept for two days, hindi ka na namin dinala sa ospital. At lastly, i'm Marco. Masakit man sabihin, childhood bestfriend mo ko hanggang sa pati ako kinalimutan mo."

Tinignan ko siya, wala kong maalala, kaya hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.

"Nagsisinungaling ka! Hindi ako nakita ni Edward na nahimatay diba? hindi ako kayang pabayaan ni Edward"

"Well, he just did."

Di ko namalayan tumulo na pala luha ko, at ano yun? Tulog ako ng 2 days? Baka hinahanap na ako ni Edward!

Tumayo ako at mabilis na naglakad palabas sa kwartong yun.

"Where are you going?"

Sinundan ako nung Marco,

"Uuwi na ako!"

"This is your home"

Nilingon ko siya,

"Ibalik mo ko kay Edward. Please.."

Umiiyak kong sabi,

Ayoko magtiwala sa iba, gusto ko kay Edward lang.

"I won't."

Maikli nyang sabi, pinunasan ko ang luha ko at bumaba ng hagdan, hinihintay ako ni Edward at alam kung hinahanap nya ko. Kasi mahal ako ni Edward! Mahal nya ako.

Pagkababa ko ng hagdan ay bumungad sakin doon sa sala ang lalaking naka upo at nanunuod ng TV habang may dala dalang tasa ng kape.

"Hindi ka pwede umalis, lalo nang di pa bumabalik ala ala mo!"

Sabi nung Marco, napalingon samin yung lalaking who's claiming to be my brother.

Ngumiti ito at tumayo sa pagkakaupo niya,

"You're awake"

Nagalakad eto papalapit sakin, akmang hahawakan niya ang balikat ko ng umatras ako.

"Wag kang matakot, kapatid mo ako. Nung pinadala ka dito saglit sa pinas for medication, di namin akalain na mawawalan ka na naman ng ala ala at napunta ka sa bahay ng Edward na yun. We didn't even know how that happened, but, it doesn't matter now, what's important is youre back"

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon