Sam's pov
Andito ako ngayon sa condo ko mag isa ko lang. 'Di ko kasama si Aux dahil may practice daw sila ng basketball dahil may game daw sila sa saturday.
Haist. Lonely nanaman ako ngayon wala akong kakulitan na si Aux.
(Kringgggg)
Chineck ko 'yong phone ko kung sino ang tumatawag at nakita ko naman na si Kuya Josh ang tumatawag sa akin.
Gosh. Namiss ko din silang kakulitan.
"Hello kuya"
"Sam..."Mukhang malungkot na sabi ni kuya.
Akala ko pa naman kukulitin ako nito pero bakit parang ang lungkot niya ngayon?
"Kuya, what's your wrong? Mukhang matamlay ka ngayon"Sabi ko.
"Uhmmm.....Pwede bang pumunta ka dito sa mansion may pag uusapan kasi tayo. Sibblings talk"siryosong sabi ni kuya.
Ano naman kaya 'yon?
"Ah okey kuya. I'll be there"Sabi ko at pinatay ang phone ko.
Agad akong nag palit at kinuha ang keys ng kotse ko.
'Andito na ako ngayon sa mansion.
Sinalubong naman ako ng katulong namin.
"Good morning po ma'am sam" bati sa akin nito
"Asan sila kuya?"Tanong ko.
"Nasa Likod po sa may pool. Kanina ka po pala nila hinihintay"Sabi nito.
"Ah thank you po"Sabi ko at nag lakad papunta sa pool.
Nakita ko naman sila kuya na naka upo sa gilid ng pool at seryosong nag uusap.
Hindi sila 'yon lagi kong nakikita na nag kukulitan at nag aasaran.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi nila.
"So ano 'yong sasabihin niyo?" Tanong ko.
Tumikhim muna si kuya Josh.
"Uhmmm...Sam. kahit anong mang yari lagi mo lang sundin ang puso mo"Seryosong Sabi ni Kuya Josh.
Ano bang pinag sasabi nito? Niloloko ba ako nito? Napaka korni kasi ng sinasabi niya.
Pero seryoso siya sa sinasabi niya.
"Huh? Kuya 'Di kita gets?"
"Look. Samantha.....Uhmm..... naka arrange marriage tayo tatlo. Inaarrangr marriage tayo ni lolo"Sabi ni kuya Jason.
"What?!!" Sigaw ko.
"Calm down sam"Pag papa kalma sa akin ni kuya Josh.
"Pumayag kayo?"Tanong ko.
Tumango lang sila.
"What?! Eh bakit niyo pa ako pinag sasabihan kung pumayag din naman kayo?!"
"Samantha. Look.... 'Di din naman namin 'to ginusto actually half na ayaw namin at half na gusto naman. Syempre once na naka arrange marriage ka na wala ka ng freedom pero Sam para din naman ito sa kompanya natin and besides wala din naman kaming girlfriends ni Jason. 'Yon nga lang 'di na kami makakapag chicks!"Paliwag ni kuya Josh na may halong biro.
Binatukan naman siya ni Kuya Jason.
"Umayos ka nga Josh ang seryoso ng usapan dito oh at tsaka ikaw lang naman ang mahilig man chicks jan!"Sigaw sa kanya ni kuya Jason.
Napatawa naman kami ng malakas ni kuya Josh. Kahit kailan talaga 'Di ma biro si kuya Jason.
Isa pa 'tong si kuya Josh gumagana nanaman ang pag ka playboy niya.
"Okey. Balik tayo sa topic. Bakit nga pinag sasabihan niyo ako kung pumayag naman pala kayong dalawa?"tanong ko.
"Sam. Sinasabi namin 'yon kasi malay namin kung may boyfriend ka o kaya nainlove ka na. Kay kung ganon just follow your heart kahit suwayin mo na si lolo. Wag kang mag alala nandito kami ni kuya mo at ipag lalaban ka namin"Sabi ni kuya Josh.
Napangiti naman ako sa sinabi nila kuya.
"Thank you kuya"nakangiting sabi ko at niyakap ko sila.
Napaka concern nila sa akin handa nila akong ipag laban. Mas inisip pa talaga nila ako kaysa sa sarili nila. Nakakatouch naman sila kaya mahal na mahal ko 'tong mga kuya ko eh kahit na mga asar, makukulit at play boy minsan ay mahal ko pa rin sila.
Nag hiwalay na kami sa aming yakap.
Tumingin sa akin si kuya josh ng nakakaloko.
"...so ibig sabihin no'n Sam may boyfriend ka na? Hoy! Sam ah bakit 'di mo pinakilala sa amin ng kuya mo? 'Di pa dumaan sa amin bago mo sinagot!" Ayan nanaman si kuya jason
"Hehe. Makikilala niyo siya soon"nakingiting sabi ko.
"Nako! Nako! Sam ah siguraduhin mong matino tino yang boyfriend mo dapat tulad namin 'yang boyfriend mo ah. Dapat mabait, matipuno, matapang, masipag, magalang, handa kang ipag laban at higit sa lahat pogi!"Sabi naman ni kuya josh.
"Oo nga!"sabi ni kuya Jason.
"Dont worry kuya. Pogi siya katulad niyo pero mas pogi naman kayo"Sabi ko.
" 'yan ang gusto namin sayo sam eh"
" 'To dali mo namang mauto niloloko ko lang kayo"Sabi ko sa kanila sabay tulak sa kanila sa pool.
"Ahhahahhahaha.... 'yan mga kuya!! Ang popogi niyo na"sabi ko at tumawa.
"Sam!!"Sigaw nila at agad nila akong hinila papunta sa swimming pool at ito kami ngayon basang basa na.
Ang sarap talagang kasama ito mga kuya ko.
Nakauwi na ako ngayon sa condo ko.
Naalala ko 'yong mga sinabi sa akin nila kuya at sabay ko naman naalala si Aux.
Fck! Pa'no ko sasabihin sa kanya. Ayaw kong masktan si Aux. Ayaw ko siyang saktan.
Pero sabi nga ni kuya josh. Always follow your heart no matter what happen. Ipag lalaban ko ang relation namin ni Aux.
(TINGGGG)
Chineck ko ang phone ko kung sino ang nag text.
Number lang.
******09
Sam. Mag kita tayo sa park. This is Zaxia. I just want to apologize.
Apologize mo mukha mo! Alam ko na yang modus na 'yan. Mag sosorry kunwari pero may balak pala siya. Mamaya siraan niya ako kay Aux eh.
Bahala siya sa buhay niya basta ako 'Di ako pupunta.
Napanuod ko na 'yang mga ganyan ganyan eh!
Mga kontrabida!
Bahala siya mag hintay sa wala. Hmmf hindi niya ako maloloko
BINABASA MO ANG
The Trouble Maker Queen (editing)
RomanceSamantha Cruz. Isang babaeng walang ginawa kundi gumawa ng kalokohan sa sariling school na pag mamay ari ng kanyang lolo. Isa siya sa pinaka sikat sa school nila. Hindi dahil maganda siya dahil sa mga kalokohan niya. Halos lahat na ata ng studyante...