Liham para sa aking hinahangaang tao
Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ngunit wala akong lakas ng loob...
Hinahangaan kita noong ako'y nasa ika-anim na baitang at hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung sinabi nga sa iyo ng kapatid ng aking kaibigan ngunit sana'y huwag lumayo
Hindi mo alam kung paano mo ako pakiligin sa bawat araw na ika'y makikita...
Nawawalan ako ng gana pag hindi nasisilayan ang 'yong mukha
Hindi mo rin alam na ako'y binibigyan mo ng inspirasyon para mag-aral
Ito ata ang sinasabi nilang paghanga sa nakabubuti , dahil ginagawa kitang inspirasyon para sa pag-aaral ng mabuti.
Sana isang araw ay malaman mo itong nadarama ko para sa iyo...
Sana balang araw masabi ko sa iyo na ako yung tao na humahanga sa iyo sa matagal na panahon...
Oo marami akong nalalaman na masasamang bagay sa iyo , ngunit hindi ako humahanga ng dahil sa mga nalalaman ko
Alam kong may dahilan kaya nila sinasabi yun ngunit alam ko ring lahat ng tao ay may tinatago at hindi lang sinasabi kung bakit sila ganun...
Huwag nating husgahan ang mga pinapakita ng ating kapwa , hindi natin alam baka may dinadala lang silang mabigat na problema...
Gusto ko kahit mag-exist man lang ako sa buhay mo..
A/N:Maikli lang po ito dahil kakaisip ko lang nito ngayon ngayon lang..Fiction po ito so kayo bahala kung ayaw niyo maniwala sakin..Ganun naman kayo eh...Char lang!