Nathalie's POV
Maaga akong nagising ngayon. Dahil ngayon ako mageenrol sa Royal University.
Natawa nga ako sa sarili ko eh.
Graduate nako ng Bussiness Management Bachelor's Degree.Pero dahil kailangan ko makapasok sa Royal University.
Maeextend ang pagaaral ko ng Bussiness Management at magiging Master's Degree na.
Dami kasing pakulo ni papa. Sabagay kaya nga laging mainit ulo. Psh.
Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin kumuha lang ako ng sandwich na ginawa ni mama at nagmamadaling lumabas ng bahay--mansion.
"Pearl take your breakfast properly!" Sigaw ng mama kong megaphone.
"No ma.. Kailangan ko ng umalis para magenrol, bye ma!" Sigaw ko pabalik at sumakay na ng motor..
Hindi na sumagot si mama kaya sinimulan ko na magdrive papunta sa Royal University.
~
Kakatapos ko lang magenrol at binigay na agad ang uniform na gagamitin ko.
At bukas, start nako ng klase.
What a nice.
Bukas estudyante na naman ako!
Dumeretso ako ng shop pagkagaling sa R.U at naabutan ko naman sila pat at william dun..
"Goodluck bukas pearl." Nakangiting sabi ni pat sa akin..
"Wag ka hon.. Dapat ganito goodluck sila sayo pearl." Ngising sabi ni william.
Natawa nalang ako habang naiiling..
Mukha akong simple oo. Pero wag nyoko gagalitin nako..
You will see a Roaring pearl like a lion.
Hahaha! Kumain na muna ako saglit dito sa shop dahil hindi din naman ako nakakain ng maayos kanina..
Hmmmm. Sino kaya ang bagong makikilala ko sa University na yon?
Sana lang! Wag ako dapuan ng kamalasan bukas.
Biglang may dumating na costumer kaya agad akong napatingin sa entrance.
"Wow." Sambit ko ng makitang pumasok ang tatlong babae at suot ang uniform ng Royal University.
So isa sila sa makikita ko bukas?
Hmmmm. Mukhang mga maarte.. They smell something bitchy.And I don't care.
Tumayo nako at lumabas na ng shop. Pinaandar ko na ang motor ko para umuwi..
Habang nasa daan biglang may sumingit sa harap ko.
Inis kong tinignan kung sino humarang sa dinadaanan ko.
"Nice meeting you again nathalie." Ngiti nyang sabi pero cold parin ang boses nya..
Bakit kaya napakacold ng boses nya? Tinignan ko lang sya at hindi sumagot..
Actually cute sya.. Korean style ang buhok nya na maitim, may dimples at maninipis na labi.
Oh fvck! Why did I just saying those words!?
Erase. Erase. Erase.Xian Villiamor lumayas ka sa harap ko!
"Can you get out of my way? I need to go." Pormal kong sabi para di medyo harsh.
Kahit harsh naman talaga pagkakasabi ko.
Bakit ko pa kasi tinignan! Aiish!!
Umalis naman sya tapos diretsong nagdrive.
Seriously? Hindi naman nya trip humarang lagi sa harap ko no? At hindi rin talaga likas sakanya pumansin? Duh!
Gwapo nga, mahangin naman.
Oo hindi sya nagyabang sakin pero sa kilos nya ganun pinapakita nya. Psh!
Nagdrive nalang ako pauwi..
~
"Ma, anung lunch?" Tanong ko kay mama dahil nagugutom nako.
Kahit kakakain ko lang sa shop.
"Sinigang." Tipid na sagot ni mama.
Yay! My favorite! Mapaparami kain ko neto. Hehe.
Pagkatapos kumain umakyat nako papuntang kwarto.
Kaso napahinto ako dito sa may pintuan ng kwarto ko.
"Bianca! What are doing in my room!?" Sigaw ko kay bianca na prenteng nakadapa sa larva kong kama.
Wag ka. Mahilig ako sa larva.
No! Adik ako sa larva. Hahahaha."Nothing. Just relaxing." Tumayo sya pagkasabi non.
Wow hah! Anung kala nya sa kwarto ko? Pahingahan?
Okay pearl pahingahan ang kwarto. Pahingahan ko lang! Kase kwarto ko to duh!
"Just get out of my room bianca." Sabi ko kaya lumabas naman sya at sinara ko ang pinto.
Kinuha ko ang laptop ko at nagtingin ng notification sa facebook.
"You have 1 new friend request"
[Xian Villiamor - Accept•Ignore]What's wrong with this guy?
Why did he just send me a fvcking friend request!?In-ignore ko lang at saka sinara ang laptop ko..
That cold guy! Ugh! Hmm. Siguro kaya ganyan sya kasi hindi pako nakakapagpathankyou sakanya?
Ah! Tama tama. Hindi pa nga..
Sana magkita kami ulit para makapag thankyou ako.
Pero alam ko nagpasalamat nako sakanya dun sa vulcanizing shop ah!?
Ay nako. Bahala na nga. Di ko na sya iisipin. Mababaliw lang ako.
*********