Chapter 25: Say what?

72.3K 1.9K 211
                                    

Chapter 25

"S-sandali!" pigil ko sa kanya nang mapansin ko na papunta kami ng parking lot ng Murphy.

Don't tell me pupunta talaga kami sa kanilang bahay. Ano ba ang pumapasok sa utak niya at gusto niya akong ipakilala bilang--babaeng mamahalin niya sa magulang niya. Nababaliw na ba siya? O may sayad na siya sa utak.

"What?" nagtataka niya tanong habang kinakamot ang batok niya.

"May klase pa ako."

"Ako ang bahala," aniya habang may kinukuha sa bulsa niya.

Nilabas niya ang cellphone niya at maya-maya'y may katawagan na siya.

"Hello"

"She's Ms. Muñoz..yeah!"

"Alright!.. Thank you po Mrs. Principal"

Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ang Principal. Nang matapos ang tawagan nila tumingin siya sa akin at kumunot ang noo dahil sa reaksyon ko.

"S-sino 'yon?" tanong ko kaya bahagya siyang natawa dahil sa reaksyon ko.

"Mrs. Principal," simpleng sagot niya na parang bang close na close sila ng Principal.

"What? Bakit mo siya tinawagan?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sinabi ko na may sakit ka kaya wala ka ng dahilan pa para tumangging huwag sumama sa akin," nakataas ang sulok ng labi niyang wika.

Binuksan niya ang pinto ng kulay itim na kotse niya habang nakatingin sa akin na para bang sinasabi na sumakay ako.

"Get in. "

Hindi ako umimik at tahimik na pumasok sa kotse niya. Sumakay na din siya at nagsimula ng magmaneho.

I love you

Kumirot ang dibdib ko ng maalala ko ang tatlong salita na galing mismo sa labi niya. Bakit ngayon niya lang sinabi na mahal niya din ako? Bakit ngayon pa? Bakiy ngayon pa kung kelan pagod na ako. Pagod na pagod ng mahalin mahalin siya.

"Huwag mong pigilan ang sarili mo na huwag umiyak," rinig kong sabi niya.

Pagkasabi niya nun muling bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko na itinigil niya ang kotse niya sa isang tabi habang ako naman ay patuloy sa pag iyak.

"A-ang sakit..."

"..pagod na pagod na akong umiyak."

Naramdaman ko nalang na pinupunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. Tahimik lang siya habang ginagawa 'yon.

"Hahayaang kong umiyak ka ngayon pero sa susunod na araw hindi ko na hahayaang mangyari yun!" seryoso niyang sabi habang ako naman ay natigilan sa sinabi niya.

Kaya ko bang magmahal ng iba kung si Xander lang talaga ang kayang tanggapin ng puso't utak ko?

-

Luke's POV

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Medyo namumula pa ang ilong niya dahil sa pag-iyak niya kanina.

D*mn you Xander, palagi mo nalang siyang pinapaiyak. Bata palang tayo pinagtatabuyan mona siya. Hindi na ako makakapayag na umiyak na naman siya ng dahil sa'yo.

"Avery!" marahan kong tinapik ang pisngi niya pero patuloy parin siya sa pagtulog.

No choice kaya binuhat ko nalang siya at aamin ko na kahit mapayat siya para akong nagbubuhat ng isang sako ng bigas dahil sa sobrang bigat niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon