All My Heart (One Shot)

2 0 0
                                    

Author's Note:
Hey guys!!! This story is a fan fiction of my favorite band "Sleeping With Sirens".
Naisip kong gawan ng maikling kwento ang isa sa mga paborito kong kanta nila. Because Im an avid fan of them.I hope you like it kahit na di nyo kilala ang banda pero sana mga SWS fan dyan sana mabasa nyo,please read my one shot story.:):):)

(Third Person's POV)

Kasalukuyang nakaupo si Yumi sa gilid ng kanyang kama na hawak hawak ang gitarang sinopresa sa kanya ng kaniyang kasintahan.

Sobrang saya nya ngayong araw lalo pa't kagigising nya pa lamang , ito na agad ang bumungad sa kanya kaya naisipan nyang tawagan si Devon para pasalamatan.

"Good morning babe! maraming salamat sa sopresa mo ha, tagal ko nang hindi napalitan yung dati kong gitara eh.Ang lapad ng ngiti ko ngayong araw dahil sayo lalo pa't kaarawan ko ngayon"

("This is your special day my love kaya gusto ko masaya ka lalo na ngayong umaga napangiti na agad kita basta pangako mo iingatan mo yan ah. Happy Birthday My Only Girl!")

"I'll promise my love, pero makakapunta ka ba dito?. Maghahanda yata si mama eh, sabi ko nga kahit wala ng handa kasi malaki na ko hindi na ko bata pero kahit ganon masaya pa din ako dahil mahal na mahal nila ako at syempre ikaw din"

("Susubukan ko makapunta dyan ah kasi may inaasikaso akong importante eh sana maintindihan mo")

"Sige naiintindihan ko naman dahil sabi mo nga importante yan sige na babe salamat ulit, Bye I love you"

("I love you too babe and enjoy your special day bye.")

She ended up a call
Napaisip tuloy si Yumi kung ano yung aasikasuhing importante ng kanyang kasintahan dahil ngayon lang ito nagkaroon ng importanteng lakad.Wala naman itong inililihim sa kanya ,pero para malaman nya kung ano iyon ay naisipan nya itong padalhan ng mensahe.Mabilis naman itong tumugon sa mensahe nya ngunit hindi nito  sinabi kung ano iyon pero pinangako nitong makakapunta sya.

Naisip isip nyang huwag na muna intindihin iyon kasi sasabihin din sa kanya iyon at ang mahalaga napasaya sya ng kasintahan.
Naisip nyang bumaba para tignan kung ano ang ginagawa ng kanyang mga magulang , Nang nakarating na sya sa kusina nakita nya ang mga pagkaing nakahain sa malaking lamesa.

"Happy Birthday Hija!" bati sa kanya ng kaniyang ina at ama habang nakayakap sa kanya.

"Thank you so much mom and dad" sabi nya sabay yakap ulit sa kanyang mga magulang na may kasama pang halik sa pisngi.

Napakalambing nya sa kanyang mga magulang lalo pa't nagiisa lang syang anak ng mga ito.Labing siyam na taon na syang nabubuhay sa mundong ito kaya ang hiniling nya sa panginoon ay humaba pa ang kanyang buhay kasama ang kaniyang kasintahan lalo na ang mga magulang nya.

Yan ang hiniling nya matapos nyang hipan ang kandilang nasa gitna ng kanyang cake at nag mistula tuloy syang bata na inaasahang matutupad ang kanyang  hiling nya.Pero kahit ganon napasaya naman sya ng kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang kasintahan. Matapos non ay pinagsalu- saluhan nila ang mga pagkaing nakahain sa lamesa, pakiramdam ni Yumi ito na yata ang pinakamasaya nyang kaarawan.

***
Yumi's POV
"Pasensya na babe ngayon lang ako nakarating" bungad nya sakin matapos syang lumabas sa kanyang kotse.

Nakita ko ang dala nyang bulaklak at puro chocolates na nasa paper bag , alam nya talaga hilig ko.

"Okay lang dala mo naman paborito ko eh" I smile at him and he smile back.

"Happy Birthday My Love" he said as he hug me tightly and kiss my forehead.

"Thank you so much for everything, I am so happy for your gift I appreciate it and I love it like the way you love me   like a bunch of chocolates" Aniya ko ng may halong biro

"Hahaha mukha kang chocolate talaga" Aniya nya sabay tingin sa mukha ko habang tumatawa.

"Hahaha pasensya ka na sa girlfriend mo ah" sarkastiko kong sabi.

"Mas gusto ko nga sa babae yung mahilig sa chocolates, alam mo ba kung bakit?" Tanong nya habang napapangiti.

"Hindi bakit nga ba??" Kyuryosidad kong sabi.

"Kasi lalo syang tumataba kaya ikaw lang yon at wala ng iba" Aniya nya habang pinipisil ang magkabila kong pisngi.

"Ehem tama na ang lambingan nyo nilalagam na ko dito sa sulok" biglang pabirong sabi ni mama.Nagkatinginan na lamang kami ni Devon sa sinabi ni mama.

"Halina kayo't handa na ang hapunan, pumasok na kayo ah" pagkasabi nya non tuluyan na syang pumasok sa loob ng bahay.

Sumunod na lang kaming dalawa kay mama baka mapahaba pa kasi yung usapan namin.

***

"Salamat nga pala ulit sa regalo mo ah sobrang sobrang saya ko ngayong araw na ito"  sabi ko sabay yakap sa kanya.

"You deserve to be happy in your special day kaya hindi mo ko dapat pasalamatan" he kiss my forehead and hug me tightly.

"Devon promise me you won't leave me anymore, mag promise ka" utos ko sa kanya.

"I'll promise I won't never leave you My love" Tumingin sya saking mga mata at hinawakan ang aking dalawang kamay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All My HeartWhere stories live. Discover now