Naging busy na ulet ako sa work.
Nagpalamig din muna ako.
Bihira na lang din kami mag usap ni Jenny.
Hindi ko pa ako nakikipag hiwalay kay Jenny.
Ayaw ko syang iwan sa ere nang ganun ganun na lang.
Tinitignan ko din palage yung mga account ni Jessie baka bigla syang mag online.
Alam ko at naniniwala ako na magiging okay din ang lahat. Sabi nga ni Jessie, in God's will.
Lumipasang kalahating taon...
"Kuya!" sigaw ni Bea.
Natutulog pa ako sa kwarto ko.
Aga aga mambulabog ni Bea.
"Kuya! Labas ka na dyan dali!" sigaw ni Bea habang kinakatok yung pintoko.
"OO! Sandal lang" sagot ko.
Inaantok pa ako. Pero bumangon na din ako.
Pag labas ko ng pinto, andun si Bea.
Hinili nya agad ako sa sala.
Pagdating naming sa sala.
Bumungad si Travis na nakaupo. Nagulat ako.
"Kuya" mahinahon nyang sabi.
"Travis" nilapitan ko sya at niyakap.
"Dito na ko titira sa inyo kuya" sabi nya
"matagal ko nang hinintay to bro" sabi ko
Kumpleto na ulet kami magkakapatid.
Masaya kaming magkakasamang kumakaen at namamasyal.
....................
Andito kami ngayon sa bahay sa Pilipinas.
Umuwi kaming tatlong magkakapatid.
2 weeks lang kami. Umuwi kami dito dahil bakasyon.
Nakakamiss din kasi yung mgalugar at kaibigan ko.
Una kong gagawin ay magpaliwanag kay Jenny.
Dapat magawa ko na to hanggat maaga pa. Alam kong masasaktan sya. Pero mas okay siguro na mas hindi na lumalim at hndi na magtagal tong relationship namin. Para mas maging madalisa kanya ang makalimot.
Nag punta ako sa bahay nila. Sinundo ko sya para makipag usap.
Wala pa syang idea sa gagawin ko.
Pagkakita nya sa akin niyakap nya agad ako.
"I miss you" yan ang sinabi nya sa akin.
"Pwede ba tayong mag usap? Saan gusto mong pumunta?" tanong ko.
"sige, mag aayos lang ako" sabi nya
Nakaupo ako ngayon ditto sa sala nila.
Mukang maingay ngayon sa bahay nila. Andito siguro yung ibang kapatid nya.
Maya maya ay bumaba na sya.
"Chino andito pala sila mama at papa. Papakilala kita" sabi nya
Tinawag nya yung mama at papa nya pati yung ibang kapatid nya.
"Ma, Pa, si Chino po. Boyfriend ko" sabi nya
"hi po" maikling sabi ko.
Nakipag kwentuhan saglit yung parents ni Jenny.
Mababaet yung mga magulang nya, maski yung mga kapatid nya.
"Ma, alis muna kami ni Chino" paalam nya
YOU ARE READING
TRUE LOVE WAITS
Любовные романыHanggang kelan kaya tatagal ang relasyon na malayo kayo sa isa't isa? Kaya nyo bang tiisin na wala kayo sa piling ng isa't isa? Makukuha mo pa kayang makatakas sa mga tuksong nasa paligid mo kung ang minamahal mo ay malayo sayo? Sa isang salita, man...