Venus' POV
Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili ko sa salamin. Ibang iba na ang itsura dahil sa make up. Ngumisi ako di ko akalain na ganito pala ako ka ganda.
Tumayo ako at tiningnan ako suot ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng isang gown na fit na fit sa katawan ko may mahabang slit sa kaliwang bahagi sa leegs ko. Tumalikod ako at nakita dun ang maputi kong likod. Sleeveless kasi ito at kulay itim pa kaya tulang ang maputi kong balat.
"Ve.."- napalingon ako sa may pinto at dun nakita si Thunder na nakasuot na black tuxedo.
"Let's go"- ani nito tumango lang ako at kinuha ang cellphone ko .. wallet tska ang invitation card...
Pagkababa naming agad kaming sumakay sa kotse na maghahatid samin sa party.
"Wear this."- napalingon ako kay Thunder at nakita ko ang isang itim na mask. Kinuha ko ito at tiningnan. Bagay na bagay ito sa suot ko. Masquerade? Tsk!
Matapos nun nabalot na ng katahimikan ang loob ng kotse. Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa venue.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng biglang hawakan ni Thunder ang balikat ko.
"Be careful Ve. Hindi mo na kilala ang mga taong nakakasalamuha ni Ice. Kaya palagi ka lang sa tabi ko atsaka ayokong patayin ni Ice noh!"- tumawa naman ako dahil sa sinabi niya.
Bago kami lumabas ng kotse sinuot muna namin ang mga mask namin. Pagkababa namin agad na bumungad sakin ang kakaibang aura ng lugar.
Kumapit ako kay Thunder tsaka pumasok ng sa loob.
Habang pumapasok kami naging centro agad kami ng atensyon. Tsk!
Naghanap kami ni Thunder ng upuan at nung nakakita sa bandang kaliwa ang napili namin.
Umupo kami dun ni Thunder nagmamasid lang kami sa mga tao sa paligid na biglang magring ang cellphone ni Thunder kaya nagpaalam ito na sasagutin lang ang tawag at syempre sinabihan niya ako ng wag aalis dun.
Nagmakaalis siya naiwan akong mag-isa dun. Ano ba to? Ang boring naman.
"Excuse me maam. Wine po?"- napalingon ako sa waiter na nakatayo sa gilid ko. Umiling lang ako pero nilagay niya parin ang wine sa table ko. Tsk! Ang kulit!
Makalipas ang ilang minuto di parin bumabalik si Thunder. Bakit ba ang tagal niya?! Naiinip na ako dito!!
Kinuha ko ang wine at ininom ito pero agad ko naman itong binalik dahil ang sama ng lasa! Anong wine ba to?? Pero may nainom talaga ako.!
"Ve!"- napalingon ako at nakita dun si Thunder.
"Shit! Bakit ang tagal mo?!"- galit kong pabulong sa kanya.
"S-si... Ice gising na!"- sagot niya na kinabigla ko. G-gising na siya?!! Tumayo ako pero bigla akong nahilo muntik na akong matumba mabuti nalang at nasalo ako ni Thunder.
"Okay ka lang?"- tanong niya sakin. Tumango lang ako.
"Nahilo lang ako. Puntahan na natin si Ice. Gusto ko na siyang makita"- ani ko at tumango naman si Thunder pero biglang bumukas ang malaking pinto at niluwa dito ang lalaking naka-white na tuxedo at mga lalaking armado na nasa likod niya.
Pinagmasdan ko ang lalaking nakaputi. Teka?? Parang kilala ko siya ah??Shit! Di to maaari!
~~~~
VoteComment
Be fan!
@xjubilyn thank you for the vote😘😘😊😊
BINABASA MO ANG
Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018
RandomMasaya na kaming dalawa ng taong mahal ko, almost perfect na nga eh pero dahil sa katangahan ko nagbago lahat. Naging parang roller coaster ang buhay ko na humantong sa pagiging sampid ko o pagiging kabit sa buhay ng taong mahal ko. Pero nagbago ako...