"Promise sasamahan kita sa Friday. It's a Date ^_^v" sabi niya sabay alis.
Hayy. Sarap talaga sa pakiramdam kapag may Girlfriend. Laging inspired. Mahal na mahal ko talaga yan. Yung tipong kahit wala na ko basta siya meron. Yung kahit mahirapan ako basta 'wag lang siya. Yung kahit magutom na ko basta makakain lang siya. Ganun ko siya kamahal. Handa akong ibigay lahat ng meron ako para lang sa kanya.
Lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Nag aaral akong mabuti para mapagmalaki niya. Nag ayos ako ng sarili para huwag niya ko ikahiya. Binago ko ang sarili ko para lang maging karapat dapat sa kanya.
Pero bakit ganun? May kulang pa ba sakin? Hindi niya ko magawang ipakilala sa mga kaibigan niya. Hindi niya ko maipakilala sa mga kamag-anak niya maliban sa pamilya niya. Kinakahiya niya ko kahit sa mga hindi namin kakilala. Ni hindi niya nga masabi na BOYFRIEND niya ko eh. May masama ba kong nagawa? O mas tamang kulang pa ba yung mga nagawa ko?
Tinawagan ko ang tropa ko para sa surprise na gagawin ko para sa kanya.
Every month naghahanda ako ng surprise para sa kanya. Ginagawa kong special yung monthsary namin. Lagi niyang sinasabi na pupunta siya pero lagi din siyang hindi pumupunta. Excuses. She has a lot of it. Kada na lang may usapan kami na hindi siya nakakapunta, madami siya baon na excuse. Kesyo, nautusan daw siya ng mama niya o kaya hindi daw siya pinayagan, minsan nga nakalimutan daw niya eh. Fckshit lang! PAASA EH! Hindi man lang niya ko bigyan kahit konting ORAS niya!!
Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nagsasawang mahalin siya. Ganyan na siya eh. Patuloy ko pa rin siyang hinahanda ng kung anu-ano baka sakaling this time pumunta na siya. Tulad ngayon, naghahanda nanaman ako. Umaasa nanaman ako.
Wednesday palang ngayon so mahaba haba pa yung oras para paghandaan yung gagawin ko. Napag ipunan ko naman na to. Matagal na so wala ng problema. Siya na lang.
Dumaan muna ko sa lugar kung saan ko ihahanda yung surprise ko. Kinausap ko yung may ari para sa gagawin. So bale, kasabwat ko sila. Gusto ko kasing super duper special to eh. Kasi special celebration talaga ito. Ang effort ko ba? Wala eh. Mahal ko eh.
**Thursday
Naglalakad ako papuntang school. Lakad lang. Tipid ako eh. Tsaka malapit lang naman eh. Mga 1km lang.
Habang naglalakad ako, may nadaanan akong tindahan ng mga Stuff toy. Bat ngayon ko lang napansin ito dito. Baka bago.
Since maaga pa naman, dumaan muna ko sa store. Mahilig kasi siya sa mga stuff toy eh. Nilibot ko yung buong store. Madaming maganda. Pero mayroon isang kapansin pansin. Malaking Lalaking Bear siya naman yakap na mas maliit na Babaeng Bear. Ang sweet nila tignan.
"Naalala mo girlfriend mo noh?" napantingin ako sa nagsalita. Siya siguro may ari ng store na ito. Medyo matanda na siya. Nasa mid-50's siguro.
"Opo eh. Pero hindi ko pa siya nayakap ng ganyan. Ayaw niya po kasi ng masyadong touchy eh."
"Ganun ba? Kawawa ka naman pala iho. Alam mo kung ganyan yung trato ng babae sayo. Baka may mali sa relasyon niyo." kawaan daw ba ako (__ ) Pero tama nga siya, baka nga may mali samin. Hayy. Abo ba tong iniisip ko. Think positive nga! Ayaw niya lang talaga kaya ganun! Yun lang yun.
"Hindi naman po siguro. Tsaka mahal naman po namin ang isa't isa eh."
"Siguraduhin mong pagmamay-ari mo na ang isang bagay bago ka magpakakampante. Malay mo hindi lahat ng pinapakita niya sayo totoo." Anong ibig niyang sabihin? Hmm. Ang misteryoso naman niya. Nakakatakot.
"Ahh. Hehe. Kukunin ko po yan Sir. Magkano po ba?" pag iiba ko ng usapan baka kung ano pa marinig ko na hindi maganda eh.
"Naku, sige kunin mo na. Libre ko na sayo yan iho. Basta tandaan mo, Ingatan mo yung mga bagay na meron ka ngayon. Baka bukas malaman mo na lang, hindi na pala sila sayo. Ikaw na lang ang hindi nakaka alam. Osige iho, una na ko. May gagawin pa ko eh." tapos umalis na siya. Grabe. Tsk. Yaan na nga. Umalis na ko ng store. Itatago ko na muna to sa tambayan bago pumunta ng classroom.
BINABASA MO ANG
Nothing But Heartache [ONE SHOT]
Short StoryPaano kung naibigay mo na lahat pero kulang pa rin para sa kanya? Aasa ka pa ba o susuko ka na? Will you still believe in Love that give you Nothing But Heartache? ~