1st year high school nang makilala kita. Kamalas-malasan nga namang nasa kabilang section ka. Pero ano ba namang paki ko non? Eh hindi pa naman kita kilala.
Hanggang sa sinama ako ng mga kaibigan ko. Pinakilala ka nila sakin. First impression? Hmm, hindi ka kagwapuhan pero mukha ka namang mabait. Masyadong seryoso, pero hindi nagtagal nakilala ko kung sino ka talaga. Kung sino yung totoong ikaw.
Oo, naging magbestfriends tayo. Higit pa siguro don, oo. Akala nga nila'y magsyota tayo. Pero ano nga bang magagawa ko? Eh napakasweet mo sakin eh.
Hanggang sa hindi nagtagal, may endearment na tayo. Ang sweet noh? Jelly Bear.
Oh, diba taray? Hehe
Nang dahil nga siguro sa pangaasar ng mga kaibigan ko, Nagkagusto ako sayo. Hindi lang dahil don kasi andami mong ginagawa na nakakapagpasaya sakin. Kahit pa magkahiwalay tayo ng section, hindi mo nakakalimutang puntahan ako. Nung mga araw na wala akong pera? Hahah. Humihingi ako sayo nang sampung piso o kaya naman kung nasa mood ka ay ikaw pa ang bibili ng tubig ko. Sweet? Siguro. Pero walang malisya satin yon. Mag-bestfriends eh. Kaso ayun nga, hanggang kaibigan lang. Kaya binalewala ko nalang kung ano mang kilig yung nararamdaman ko.
Hanggang sa nagkwento ka. Tungkol sa crush mo. Ano pa nga bang ginawa ko? Kahit pa masakit ay pinakinggan ko ang kwento mo. Yung mga magagandang bagay na sa kanya mo lang nakikita, kung pano mo sya nagustuhan. Masakit, oo. Pero pinakinggan kita kasi kanino ka pa ba magkukwento? Eh ako ang bestfriend mo.
Hanggang sa dumating sa panahon na, naisip kong, Nahulog na nga siguro ako sayo. Pero anong ginawa ko? Binalewala ko. Kasi natakot ako eh. Natakot ako na baka kapag umamin ako ay mawala yung pinaka-iningat ingatan nating Pagkakaibigan.
Hanggang sa pumunta sya ng Japan. Yung crush mo. Oo nung mga oras na yon aaminin ko nang nahulog na ako. Naisip ko, siguro nga habang wala pa sya ay sulitin ko na ang mga oras na kasama kita, dahil sigurado akong pagbalik nya, hindi na naman mawawala sa mga kwento mo ang pangalan nya.
Kinwento ko yun sa mga kaibigan ko. Kung ano yung nararamdaman ko para sayo. Sabi nila, umamin na daw ako. Pero sabi ko naman? Natatakot ako. Kasi magkaibigan tayo eh. Yun nalang ang iniingatan ko, baka mawala pa. Ang sabi pa nila, manhid daw ako kasi andami mong ginagawa na nakakapagpakilig sakin, isa pa, yun siguro yung sinasabi nilang nagpapakita ka daw ng motibo. Ang sakin lang naman, Ayoko lang naman magassume dahil baka sa huli ako lang rin ang masaktan, kasi pano pala kung hindi mo ako gusto diba? Masakit yon. Bestfriend pa naman kita.
Nagbibigay pa rin ng mga advice yung mga kaibigan ko. Sa totoo lang pare-parehas lang sila ng sinasabi sakin. Kaya sa huli, hindi ko rin ginawa. Hindi rin ako umamin.
Hanggang sa nagchat tayo. Sa chat na nga lang ako umaasang wala na 'sya' sa paguusapan natin dahil kahit sa school, 'sya' ang bukambibig mo pero..hanggang sa chat sya parin ang kwento.
Sino nga ba naman kasi ang magtataka na hindi tayo magsyota kung ganyan ka nga namang kapossessive na'bestfriend' sakin. Lahat ng crush ko pinablock mo, sinabi mo ring kapag naguusap tayo ay wag na wag akong magbabanggit kahit isang pangalan ng isa sa kanila, kaso lugi ako! Crush mo nga lagi nating topic eh. Hayst.
Gabi-gabi nalang paguwi ay lagi akong umiiyak. Eh anong magagawa ko? Nasasaktan ako eh.