3
Niana's
Kasabay kong umuwi si Dylan after our short meeting. Hinintay niya ako para sabihin na mauuna si Audi dahil mag-aayos pa ng gamit.
Tahimik kaming naglalakad. Himala para sa madaldal na Ading, na-bother naman ako pero hinayaan ko na. Supposed to be kasama siya, kaso hindi siya naka-abot dahil that day nasa meeting siya sa national organization at ginulat pa ako noong nakaraan.
He's our vice president external, siya kasi ang bahala sa mga events sa labas. Siya ang nag-aasikaso kaya dapat lagi siyang present doon. Siya talaga ang ni-recommend ni Dean para sa presidency ng NASO, but Sophia pleaded for the spot, para daw sa requirements ng school abroad.
Okay naman kay Ading iyon, ayaw niya kasi ng mabigat na responsibility.
Nakarating kami ng tapat ng gate namin ng hindi pa din na-imik si Dylan. Bubukasan ko na sana iyon, we he finally spoke, "Hey Niana, can we talk?" he said in a serious tone.
Natigilan ako at tumingin sa kanya, "Sige, tungkol saan ba?" kinabahan naman ako, dahil ito na naman, seryoso na naman siya.
He sigh, "Nothing important, just." medyo nag-alangan niyang sagot. "About the tour, ingat kayo later. Text me anytime, please?" he said.
I sigh, those pleading orbs. "Oo naman Ading, ako pa makakalimot? Hindi no! Ite-text naman talaga kita." sabi ko.
Humawak siya sa strap ng bag niya, napasabunot sa buhok, at napakamot sa mukha. Pamilyar na pamilyar sakin ang galaw niya kaya alam kong hesitated siya, parang may gusto pa siyang idagdag, di niya lang masabi.
Ilang minuto pa kaming nakatayo at nakatitig si Dylan sakin. Parang may gusto siyang iparating o di kaya gawin.
Medyo nabo-bother na ako sa kanya. I made a weird face, yung tingin ng parang, nababaliw ka na ba? "Ading ang weird mo. Ite-text nga kita at si Mama, don't worry." I said assuring him, tinapik ko pa siya sa balikat.
"Kasi Nine, bigyan mo ko ng hug, pwede ba?" he said while his eyes were close. I giggled, ayun lang pala, nahiya pa ang loko.
I hug him, I felt him flinched. Akala mo first time namin ginawa ito. Aalis na sana ako sa yakap pero mas hinigpitan niya pa. Nangangalay na nga ako eh, imagine hugging an almost 2-meter class giant.
The hug lasted for about two minutes, I heard the front door opened. Nasa gate pa din kasi kami. "Niana? Hey? Is that you already?" I heard mom from the porch, she's already wearing her sleeping robe.
Doon natigil ang yakapan namin. "Di naman ako mawawala ng matagal, 2 days lang naman yun! OA mo ha?" natawa ako sa kanya, pano kasi akala mo isang buwan eh.
"Mom, it's me!" I shouted back, narinig ko pang tumahol si Moju, sinalubong niya ako sa gate.
"Sige Ading, good night." I said and waved goodbye.
He smiled as a response and waved back, hinatid niya pa ako ng tingin.
-
Magma-madaling araw na ako natapos sa ginawa kong inital draft ng floor plans sa mixed-used plate namin. At last, I could sleep enough para mamaya.
Digital aid na kami ngayong fourth year kaya no hassle. Only if nag-bug splat lang yung sketchup which is not good lalo na pag di mo na-save yung gawa mo. Siguro hindi talaga ako sasama pag manual drafting pa kami. Mahirap yun, swear.
I was sleeping soundly when somebody yelled, trying to wake the hell out of me. "Nuebe!!!" it was Mom in her usual natataranta voice. I groaned, hindi pa nga umiingay yung alarm ko.
BINABASA MO ANG
The Risk Of Love
Ficción GeneralLove at first sight. It is a cliché cycle of love. Parang ganito: Nakita. Na-inlove. Nasaktan. Di nakabangon. It is the stupidest thing that love can offer. You get too attached without even knowing if someone will catch you. If someone will be the...