CHAPTER 19

131 3 1
                                    

Kate.

Lumipas ang ilang linggo, hindi ko parin nakikita ang Big 5 sa campus. Tanging si Ezikel lang ang nandoon.

"Alam mo Katy, ganitong-ganito rin yung nangyari dati." Sabi ni Mia habang nag lalakad kami papalapit sa canteen.

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"Dati kase, ilang linggo ring hindi nagpakita ang Big 5, actually inabot pa nga nang dalawang buwan eh" Sabi ni Mikky. Nasa loob na kami ngayon nang cafeteria. At tulad nang mga nakalipas na araw ay lahat nanaman nang tingin ay nasa amin.Simula kasi nang makasama ko sina Mikky at Mia ay napansin kong nasa amin palagi ang mga nag tatakang tingin nang mga estudyante.

"Tapos anong nangyari?" Enteresadong tanong ko.

"Ayun na nga, hindi sila nagpakita. Hanggang sa may narinig kaming balita na nakipag bakbakan daw sila sa kabilang paaralan" Pag papatuloy ni Mikky.

"Muntik na nga silang ma expel eh" Pakikipag sawsaw ni Mia. Napatango na lang ako.Hindi talaga ako makapaniwalang nakaabot sila sa ganon. Umorder kami nang pagkain saka nag hanap nang mauupuan.

"Pati ba si Ezi, nakikipag bakbakan din?" Nag babakasaling tanong ko. Nag babakasaling hindi siya katulad nang Stanford na yon.

"Siyempre. Kaliwang kamay siya ni Seik sa grupo eh." Si Mia.

"Nakakabago nga yung mga pinangagawa niya ngayon. Dati nakakasama pa siya sa lahat nang away na nangyayari dito sa school. Ngayon halos hindi mo na siya nakikitang umaabsent." Ani Mia saka ninguya ang pakaing nasa loob nang bibig nito.

"Eh hindi ko naman siya nakikitang umaabsent ngayon ah?"

"Yun na nga yung nakakabago eh. Simula nung dumating ka, hindi na namin naririnig o nakikita si Ezi sa mga away-away. Palagi na siyang nasa tabi mo."

Natahimik nalang ako sa sinabi ni Mia. Nagkataon lang sigurong nag bago siya at namulat sa katotohanang wala naman siyang makukuha sa mga away-away na yan. Kumain kami nang tanghalian saka bumalik sa sarili naming silid.

Wala pa naman kaming teacher kaya nakipag daldalan muna ako kay Ezi na ngayon ay kunot noong naka tingin sa Iphone niya.

"Hoy" Pag tawag ko sakaniya. Hindi niya man lang ako binalingan nang tingin.Palihim akong tumigin sa cellphone niya at agad niya namang iniwas ito.

"Shit" Mura niya kaya inirapan ko nalang siya.Sus, tinignan ko lang naman eh. Hindi ko naman nakita. Kung makapag mura naman to.

"Kanina kapa ba diyan?" Tanong niya na binalewala ko. Kinuha ko ang notebook ko sa loob ng bag ko saka nag simulang mag drawing ng mga gowns sa likod na bahagi ng kwaderno ko. Wala akong magawa eh.

"Hey" Tawag niya sakin.Napalingon ako sakaniya.

"Shit" Pag gaya ko sa pag mura niya kanina saka nag drawing ulit. Akala mo ikaw lang marunong ah?

Naradaman ko ang pag tayo niya at sa isang mabilis na galaw lang ay nasa kanang upuan na siya kung saan ako nakaharap.

"Oh?"

"Hey are you mad?" Nag-aalalang tanong niya. "Hey. Im sorry--Fuck"

"Fuck ka din" Naiiritang sagot ko saka sa kabilang upuan naman humarap.Mag so-sorry na lang din, mumurahin pa ako.

Bumalik siya sa una niyang upuan nang pumasok na ang teacher namin.Nag discuss lang siya nang konti saka nag announce.

"Okey class. I just want to remind you na next week na ang Foundation Day nang buong Stanford High--" Hindi pa man natatapos ang announcement ni Miss ay nag hiyawan na kaagad ang mga kaklase ko.

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now