Hi Panget! 😂
Yang screenshot na 'yan? Natawa lang ako... SOBRANG LAKI NG CONCERN MO SA NCAE KO.😂😂😂Tbh tinatawa ko nalang lahat 'to eh. Umm... Paano ko ba 'to sisimulan? Honestly, hindi ko alam eh. Kasi for sure... Umiiyak ako habang sinusulat ko 'to. At oo, umiiyak nga ako. Siguro simulan natin sa mga katagang "MISS NA KITA". By that, I mean... Miss ko yung dati. Kasi DATI, nandyan ka para asarin ako kasi yun yung way mo for me to laugh. DATI, nakakapag-usap pa tayo ng heart to heart kasi alam mo naman kung paano ako atakihin ng anxieties ko. At DATI, nandito ka at alam natin ang nangyayari sa isa't isa.
Ano bang nangyari? Kasi ako hindi ko alam eh. Isang araw, bago matapos ang 2016, binlock mo 'ko. Sabihin mo lang naman kung ayaw mo akong kausapin MUNA. If you're going to say GOODBYE then just tell me. Hindi yung sinasaktan mo ako ng ganito. Pero alam mo kung ano yung masakit? YUNG INIWAN MO AKO SA ERE NA WALANG KAMALAY-MALAY. Last convo natin? ASARAN at KULITAN! ANO BANG MASAMA DUN DIBA? 😂😪 ANG hirap mag go on kasi you're bothering me. Kahit wala na dapat akong pake, nagkakaroon pa rin! Alam mo kung bakit? MAHAL KITA. Ganun naman talaga diba? Siyempre, kapatid kita. Hindi kita kayang mawala... Pero sa sitwasyon natin? Kuya, nawawala ka na. Hindi na kita mahanap. Hindi ko na mahawakan ang kamay mo para makaahon sa mga problema ko. Hindi na kita mayakap pag umiiyak ako. Higit sa lahat, hindi na kita masandalan sa mga panahong kailangan ko ng lakas. Ikaw lang naman hinahanap ko pag nanghihina ako eh. Well kuya... HINANG-HINA NA AKO! KAINIS KAA! SINANAY MO AKO NA NANDYAN KA LAGI! Alam mo, minsan umaabot na ako sa point na hinihiling ko na sana hindi mo nalang ako niligtas noon, kasi mas masakit yung ginagawa mo sa 'kin ngayon. Hirap kuya. Mas masakit pa yung nagawa mo sa 'kin kaysa sa nagawa niya. Sana, kung magkita man tayo, maliwanagan na ako. Kasi hanggang ngayon? NAGUGULUHAN AKO!! Wish ko lang, before we say goodbye, one last hug, one picture (na magiging first and last natin), and one last moment together na walang iniintinding problema. Sana makapag-bonding tayo na parang walang problema. Yun lang, kuya. Masaya na ako dun. Alam kong goodbye na after nun. PREPARED NA AKO. Kung mabasa mo man 'to... Hindi ko nirerequire na tuparin mo ang wish ko... I'm just saying, kung pinahalagahan mo ako bilang baby sister/Best friend mo, PATUNAYAN MO. Yun lang naman. Pero, Kuya... Tandaan mo, kahit anong mangyari... Ikaw lang ang kuya ko.Hanggang dito nalang Kuya. 😊
-unicorn1D (ALY)