CHAPTER 1: HAVING SECRET LOVE
*You deserve a guy na araw - araw ipaparamdam sayo na mahalaga ka. at sisiguraduhin na araw - araw kang gigising na alam mong maganda ka *
Jess POV
" tama na carla " hinimas ko ang likod ng bestfriend ko para mabawasan ang kalungkutan at ang sakit ng nararamdaman niya
niloko daw nang boyfriend niya. bat ba kasi ganyan ang mga lalaki? may jowa na nga naghahanap pa nang iba tas ang ipapalit pa sa mas panget pa kaysa sa jowa nila.
tinignan ko si carla, di naman siya panget sa totoo lang maganda nga siya pero niloko pa rin nang jowa niya. totoo talaga nababasa ko sa wattpad kahit panget na nga nagloloko pa rin. lakas naman nang loob pre
" bat ganon jess, minahal ko naman siya nang buong buo, ginawa ko naman lahat nang gusto niya pero bakit niloko pa rin niya ako?" takang tanong ni carla habang nakatulala.
dahil doon ay di niya na gaano napapansin yung luhang tumutulo at ganon na rin ang sipon niyang sumasabay sa pagtulo sa luha niya. napatingin naman ako sa paligid namin. kita ko ang grupo nang kalalakihang tumitingin sa upuan namin habang nagtatawanan at ganon na rin ang maarteng babae habang nagbubulungan. ipinagsawalang bahala ko naman ang mga reaksyon nang mga tao at inayos ko na lang ang itsura ni carla
"carla kalimutan mo na yun, makakahanap ka rin nang mas deserve mo yung hindi gagawin yung ginawa nang lalaking yun sayo " napatingin naman sa akin si carla
" may lalaki pa kayang ganon jess? " tanong sa akin ni carla
hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil kahit ako di ko alam kung meron pa bang ganong lalaking makikilala o masusulubong namin, kung meron man sure akong taken na yun o dikaya patay na.
nakakaawa talaga si carla. maganda naman siya at stick to one pero bakit linoko pa rin siya nung kumag na yun, halos mag mukhang sugar mommy na nga tong si carla kakabigay nang luho nang kumag na yun
Mga lalaki nga naman. kung nakuha na nila ang gusto nila sa mga babae iiwan na lang ng bigla. walang pasabi. kaya sa huli naghihinatay / umaasa kaming mga babae sa wala
"jess? okay ka lang ba?" napatingin naman ako kay carla agad at nakita ko yung kamay na papasampal na sa akin
"subukan mo lang sampalin ako hindi na kita papansinin " banta ko sa kanya pero dahil matigas ang ulo ni jess ay tinuloy niya pa rin. potek ansakit. tinignan ko naman nang masama si carla pero pag tingin sa kanya ay nakatingin na sa likuran niya.
hindi ko man nakikita ang mukha niya ay ramdam ko na kinikilig siya. nataka naman ako dahil kanina umiiyak siya dahil sa ex niya tas ngayon kinikilig na akala mo di broken hearted. maya maya ay may mga babaeng sumiigaw. kaya napatingin ako sa harapan ko. kita ko doon ang mga babaeng tumatakbo papunta sa tinitignan ni carla
"Wahhhhhh bess nakita ko na yung lalaking para sa akin" kinikilig na sigaw sa akin ni carla habang pinagpapalo niya ako.
BINABASA MO ANG
hopeless romantic girl meet cold guy
Romance" balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo at sa araw na yun mararamdam mo rin ang lahat ng sakit na naramdaman ko!"