Perfect Two

46 4 1
                                    

Athena's POV



Ako si Athena Orlando. 17 years old. Grade 11 student, studying STEM sa St. Luke Academy.



"Bes! Meron akong kwento" sabi ng kadarating lang na si Venus.



"Meron kang ano?" Tanong ko.



"Meron akong kwento" - Venus



"Meron kang ano?" - ako



"Meron akong kwento" - Venus



"AH WALA, WALA, WALA, WALA!" sabay naming sigaw ni Venus.



"HAHAHAHAHAHA" sabay naming tawa ni Venus. Parehong pareho talaga kami ng iniisip. Kaya minsan napagkakamalan kaming nagkokopyahan eh.



"Bes ano pala yung kwento mo?" Tanong ko ng makarecover kami sa pagtawa.



"Wag ka mabibigla--"



"WHAT?!" di na natuloy ni Venus yung sasabihin nya kase umarte na ko na parang nagulat.



"Hahahahaha" tawa ko kaya napatawa na din si Venus.



"Bes naman eh. Hahaha.. Hay nako! Ewan ko nalang kung makaganyan kapa pag nalaman mo yung sasabihin ko" patawa-tawang sabi ni Venus.



"Pfft.. Tungkol san ba yan? May quiz ba? Exam na ba bukas? Myghad! Buntis ka ba bes?" Sunod sunod kong tanong.



"Tungkol kay Johnny babes mo bes!" Sabi ni Venus kaya napatili ako.



"Waaahhh! Bakit bes crush nya na ba ko?!" Tili ko.



"Assuming bes? Hahaha. Seryoso na bes. Si Johnny kase--" pinutol ko na yung sasabihin ni bes kase mukang alam ko na kung ano yun.



"May bago na ulet girlfriend?" panghuhula ko. Hindi naman sumagot si bes kaya mukang tama nga ako.


Bigla nalang akong nanghina. Ganito lagi ang nararamdaman ko pag naririnig na may girlfriend na si Johnny. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit di pa ko nasasanay eh halos every week nagpapalit sya ng girlfriend. Pero kahit playboy sya mahal ko paren sya.



Maya maya dumating na yung teacher namin. Hindi ako makapag concentrate habang nag di-discuss si ma'am Alinday. Pano ba naman sa tuwing naiisip ko si Johnny babes ko naiisip ko din na may girlfriend na sya.. Huhuhu.. Bakit kase di nalang ako yung mahalin nya? Alam naman nyang gusto ko sya. Showy kase ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Actually alam ng lahat ng classmates ko na gusto ko sya. Maganda naman ako. Bakit ayaw nya saken? Huhuhu 😢



~~~bell~~~



Hay salamat nagbell din. Kanina pa kong gutom na gutom eh.



"Bes cafeteria tayo" aya ni Venus.



"Sige. Wait magpupulbo lang ako. Baka makasalubong ko si Johnny babes ko eh. Hihihi" tumawa lang si Venus tapos nakipulbo na din.



"Bes libre mo naman ako. Wala akong pera. Dali na mayaman ka nam--" di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Johnny. Kasama nya si Irish.



"Ano ka ba bes. Sakin ka pa nagpalibre! Eh mas dukha ako sayo. Hahaha"



So si Irish pala ang girlfriend nya ngayon. Di naman maganda yang Irish na yan eh. Putok na putok ang make up. Sobrang kapal kaya ng foundation niya at pulang pula pa ang lipstick. Ano sya clown?!



Perfect Two [ONE SHOT👫]Where stories live. Discover now