Leprechaun Nga Ba? (REAL STORY)

182 6 8
                                    

Nangyari ito since 7 years old pa lang ako.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o hindi. Hindi ko sure kung nag-eexist ba yung mga ganitong klaseng nilalang sa mundo. Ah! Basta. Nakakaloka! 

Ganito kasi yun: 

Tatlo kami ng mga kaibigan kong naglalaro sa likuran ng bahay namin. Pareho kaming mga lalake. Habang naglalaro kami ng tagu-taguan yata, may pumipisit sa amin. 

Natakot kami kasi gabi na nun eh! 

Sa may bandang halamanan nanggaling yung boses. Palakas ng palakas yun habang tumatagal. Nakakatakot na talaga. 

Eh, siraulo yung dalawa kong kalaro! Tumakbo ba naman. Ayan tuloy, naiwan akong mag-isa dun sa lugar na yun. Himala nga, hindi ako umiyak kahit takot na takot na ako nung time na yun. Hindi lang ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Yung feeling na, hindi mo maikilos yung katawang-lupa mo. 

Mayamaya, gumalaw yung halamanan....

At sa maniwala kayo't sa hindi. KUMISLAP NG KULAY YELLOW YUNG BUONG PALIGID KO! As in, ang sakit sa mata nung liwanag na yun. 

Naiyak na talaga ako nun! 

Hindi ko inaasahan yung next na kasunod nun. May maliit na matandang lalaki na lumabas dun sa halamanan. Nakasuot siya ng kulay green na damit. May suot siyang green na sumbrero ( parang katulad dun sa hat ng witch ) ganun na ganun. 

Tapos, yung mukha....susmaryosep! NAKAKATAKOT SWEAR!

Akala ko sa akin pupunta yung nilalang na yun. Pero hindi pala. Parang lumusot siya dun sa pader ng kapitbahay namin habang sumisigaw siya. Tapos bigla siyang nawala sa paningin ko. 

Doon na ako tumakbo papunta sa bahay namin. 

Kinuwento ko yun sa mama ko. Dyaske talaga! Anong aasahan ko? Syempre hindi naniwala ang mudrakis ko. Nuod daw kasi ako ng nuod ng horror kaya kung anu-ano daw nakikita ko. 

Wala na akong pag-asa sa nanay ko. Lumapit ako sa lola kong mahilig sa pamahiin (buhay pa siya nung time na yun eh). 

Kinuwento ko yung nangyari. Sabi ng lola ko: 

"Baka leprechaun yung nakita mo iho." sabi ni lola. Tapos pinakita nya sa akin yung picture nung sinasabi nyang leprechaun. 

Ganun na ganun talaga! 

Grabe iyak ko nun. Kinabukasan, di ako nakapasok sa school kasi nilagnat ako. 

Dahil siguro sa takot?...

 Ano sa palagay nyo. guys? Shinare ko lang story ko about sa kababalaghan. Mwehe. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leprechaun Nga Ba? (REAL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon