09 - mainstory [He's Back]

58 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa factory kung saan palaging nagpapractice ang 3-D dati.

"Ayun siya." sigaw ng isang lalaking humahabol sa akin. May limang lalaki na humahabol sa akin ngayon. Bakit nila ako hinahabol? Ang sabi nila sa akin ay tinakot ko daw sila dati, pero hindi ko sila matandaan. Hindi naman ako nakikipag-laban dati.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko namalayang nacorner na nila ako.

"Boss. Nandito na siya." sigaw ng isa. Lumapit ang isang chubby lalaki na parang naaalala ko na kung sino...... siya yung....... Nambastos kay Yeonji.....

Sila pala yun. Hindi ko namang akalain na mamumukhaan nila ako. Bibili lang naman dapat ako ng bubble tea kaso bigla na nila akong tinuro at tumakbo papalapit sa akin.

"Jong In nandito ka pala...!!!" sigaw ko at kaway sa direksyon kung saan sila nakatalikod.

"Sino bang pinagsasabi mo dyan? ha?" tanong sa akin ni chubby.

"Boss, diba yun yung bagong miyembro ng B.Wolves..." sabi ng isa.

Ano daw B.Wolves? Ano yun? At parang takot na takot silang lumingon sa likod nila. Ginamit ko ang pagkakataon para makatakas. Sinipa ko si chubby at sabay takbo. At totoo niyan ay wala talaga si Jong In, kunwari ay tinawag ko siya para kunwari may kasama ako.

"Haay nakakapagod tumakbo...... " Kaya ko namang silang labanan dahil tinuruan ako ng kaibigan ko na nasa China, si Kris kung paano makipaglaban. Hindi lang sila worth labanan. At ang isa pa, ang sabi ni Kris ay kailangang ko daw umiwas sa gulo kung maaari dahil kakaiba daw ako. Kapag nag-init daw ako sa laban ay nagdidilim ang paningin ko at kahit sino daw ay sinasaktan ko. Hindi ko daw nakokontrol ang sarili ko.

Nung minsang napa-away kami ay nagalit ako ng sobra dahil natatalo na kami. Nandilim ang paningin ko at ang sabi ni Kris napatumba ko daw ang karamihan ng kalaban pati nga daw siya ay nasuntok ko buti na lang daw at alam niya kung paano akong pigilan.

Malaki na ang pinagbago ko. Dati ay hindi ako marunong makipaglaban. Maski ang porma ko ay nagbago na. Kung dati ay pinagkakamalan akong babae dahil simple lang akong manamit at palaging nakababa ang buhok ko, ngayon ay lalaking lalaki na ako, nagpakulay din ako ng blonde at minsan ay tinataas ang buhok ko.

May paparating...... isang babae ang paparating. Hindi ko makita ang mukha niya pero parang wala siyang kaalam- alam sa nangyayari. Hinatak ko siya habang nakatakip ang isa kong kamay sa bibig niya para hindi siya sumigaw. Hinatak ko siya hanggang sa labas.

"Ano ba???!" sigaw niya pagkatapos ko siyang bitiwan.

"Lu..........Han???!" tawag niya sa akin. Tinignan kong mabuti yung babae at laking gulat ko nang makita ko si YeonJi. Gusto ko sanang magpaliwanag at magkuwento sa kanya pero hindi ito ang tamang oras. Baka makita pa siya ng mga humahabol sa akin. Tumakbo na lang ako kaagad na walang sinasabi sa kanya.

.

First day ko ngayon sa school. Masmasaya sana kung kasama ko sina Jong In at YeonJi. Parang dati lang.

"Okay class....... may bago kayong kaklase........ Mr.....?"

"LuHan po..." sagot ko sa professor.

"Sige Mr. Luhan, umupo ka na..... "

Ang dami namang bakanteng upuan. Habang lumilingon ako para maghanap ng upuan, napansin kong halos lahat sila ay nakatingin sa akin at nagbubulungan pa.

"Waaah...... ang gwapo niya...."

"Sa tingin ko, magiging miyembro siya ng B.Wolves." bulong ng isang babae. Pangalawang beses ko na marinig ang B.Wolves pero hindi ko pa rin alam kung ano ito.

"Yeobo!! Dito ko na lang sa tabi ko umupo....."

"Diba sabi mo kay Sehun ka na.... Pogi, dito ka na lang sa tabi ko..."

Halos lahat ng babae ay nagkakagulo para makatabi ko pwera lang sa isa..... Tahimik lang siyang nakaupo doon at may nakalagay na earphone sa tainga. Nakaharang ang buhok niya sa mukha niya.

"YeonJi, may nakaupo ba dito?" tanong ko sa kanya. Tinanggal niya ang bag niya sa upuan at umupo na ako.

"Ano ba yan!!?? Kapal naman ng mukha ng pangit na yan..."

"Kung ako sa kanya, tatayo na ako at lilipat ng ibang upuan hindi sila bagay na magkatabi."

Rinig kong bulungan ng mga babae. Tinignan ko si YeonJi at wala siyang reaksyon. Masayahing tao siya dati at kahit may nang-aaway sa kanya ay hindi pa nagseseryoso ang mukha niya ng ganito.

Naging ganito lang ang itsura niya dati nang iniwan namin siya ni Jong In para pumunta sa Dance training camp para sa mga lalaki. Nagalit talaga siya sa amin at isang linggo niya kaming hindi kinausap. Hindi kaya sa akin siya galit?

"YeonJi pasensya na kung bigla akong nawala nung graduation day natin at kung hindi ko man kayo kinontak ni Jong In......" Tumingin siya sa akin.... at inabot ang isang picture ko na binaboy niya. Ito pa pala ang kanina niyang ginagawa kaya tahimik siyang nakayuko dito.

Ngumiti siya sa akin at sinabing... "Pinapatawad na kita pero hindi parin nawawala yung tampo ko..... Para mawala iyon, gusto kong bilan mo akong ng masarap na lunch ha...... *^o^*"

Napangiti na lang ako. Hindi parin talaga siya nagbabago. Pagkain lang ang paraan para mawala ang tampo niya.

Tumunog ang cellphone ni YeonJi. Binasa niya ang text message na natanggap niya at lumabas ng classroom.

Makalipas ang ilang minutong paglabas niya ay nagsitunugan na rin ang cellphone ng iba.

"Natanggap niyo rin ba??"

"Oo, ang B.Wolves nasa quadrangle ngayon para daw mangharana!!"

"Oo, pumunta na tayo sa quadrangle, malay mo ako ang haharanahin nila"

Nagsitakbuhan na ang mga estudyanteng papalabas. Sumunod na lang ako kung saan sila papunta.... At nakita ko sa may stage sa quadrangle ang sampung lalaki na kumakanta habang sumasayaw.

Araw- araw bang ganito sa eskewelahan na ito? First day na first day ko, wala man lang akong natutunan. -_-#

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon