HAHA :)

218 2 0
                                    

Boy1 : Tol, nakipagbreak sakin GF ko.

Pinadala pa sakin pic nila ng bagong bf nya na nasa hotel sila.

Boy2 : Ouch! Tol. Eh, ano ginawa mo?

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Boy1 : Pinadala ko sa tatay nya. HAHAHA. Gulpe sya pre. GULPE! XD

Hahaha.

PAMATAY NA PAMBABARA:

B: Pwede bang umakyat ng ligaw?

G: Sorry, wala kaming hagdan.

B: Pwede ko ba hawakan ang kamay mo?

G: No thanks, di naman siya mabigat.

B: Sabihin mong mahal mo ako.

G: Mahal mo ako.

B: I want to dance like this forever.

G: Don't you want to improve?

B: Pupunta ako sa dulo ng mundo para sa'yo.

G: Talaga? Pwede dun ka nalang?

B: Mahal kita, handa akong mamatay para sa'yo.

G: Tagal namaaaan!

B: Ikaw ang nag-iisang babae sa buhay ko.

G: Wala ka bang nanay?

B: May boyfriend ka naba?

G: Wala, ayaw ng asawa ko eh.

BASAAAAAAG 

#HAHAHAHARD

Tatay: 10+10?

bata: di ko po alam.

tatay: easy lang e, di mo pa masagot? papatayin ka ng kabobohan mo!

bata: tay, kung makakakita ka ng 1000 at 500 sa kalye, alin ang pupulutin mo?

tay: aba syempre yung isang libo!

bata: pwede mo naman pulutin pareho, tay! papatayin ka ng katangahan mo.

HAHAHA^^ Eksdi!

GURO : Hoy Pedro ! kung ang earth ay pangatlong planeta mula sa araw, ano ang katabi ng mercury?

PEDRO : ma'am ! 7-11 ata. Di ako sure kasi minsan Mini Stop.

#TawaKayoPlease  XD!

POGI: Miss may boyfriend ka na?

MAGANDA: (kinikilig) Wala pa ehhh! Hihi :*)

.

.

.

.

.

.

.

.

.

POGI: Kinabog kita teh, Ako meron! 

Haha^^ Epic (=

Mga Uri ng Pasahero ng Jeep:

The Shampoo Commercial Model

- Sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin.

The Snorlax

- Sila ang mga pasaherong mahilig matulog, akala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang kama ang katabi nila. Kung makasandal wagas, sige pa rin sa pagtulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila.

The Uchiha Clan

- Sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text ng katabi nila. Ang sarap tusukin ng mata.

The VIP

- Sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung makaupo sakop ang pangdalawang tao. Ang kakapal ng mukha, akala mo ang binayad...doble!

The Headbangers

- Sila ang mga pasaherong naka-earphones/headset na akala mo nasa stage at yung sounds naririnig mo sa sobrang lakas ng volume. Minsan, sumasabay pa ng kanta. Mabingi sana kayo!

The Kris Aquino & Friends

- Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit, kesyo masikip...tang'na, mag-taxi kayo!

The Bottomline with Boy Abunda

- Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga rinig ng lahat ng pasareho. Ang sarap pakainin ng siling labuyo.

Hahaha ^___^

Jokes (; ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon