Lory Pov!
Parang nabawasan ang bigat ng damadamin ko ng makausap ko si Jake at Xander kagabi at kahit papaano nabawasan ang pagkainis ko sa kanya.
"Ano kaya ang sinasabi niyang paraan para makamove on ako?"
tinuloy ko ang pagsusuklay ko at muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago ko kinuha ang cellphone ko na nasa kama at chineck kong may message ako.One message recieved.
Binuksan ko ito at tumambad sakin ang pangalan ni Xander ar walang kwentang message galing sa kanya.
How to get rid of your ex in your life?
1. Huwag kang magpakatanga!
Napaikot na ako ng mata sa nabasa ko. Wala talagang kwentang kausap ang isang to.
"Bakit ba kasi ako nagpapaniwala sa lalaking yun? Naku!"
Binitbit ko ang bag ko at lumabas na.
***********
Ting!
Ako ang unang lumabas sa elevator since ako ang huling pumasok kanina in other word nakipagsiksikan lang ako. Sa wakas nakahinga na ako ng maluwag.
"Jenny. Good Morning."
"Mukhang maganda ang gising mo ah pero huwag kang masyadong magpakasaya dahil kalbaryo ang aabutin mo sa loob."
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Good mood pa lang yan si sir pagpasok kanina at lumabas lang saglit pagbalik parang manganain na ng tao kaya huwag kang pasaway." anong tupak na naman kaya meron ang lalaking yun?
"Shhh! Huwag kang maingay, please lang baka marinig ka. Maawa ka naman sa pwedeng mawalan ng trabaho kapag nag.alburuto ang bulkan." nasabi ko pala yun? Akala ko sa isip ko lang.
"Pasensiya na. Pasok na ako."
"Huwag mong kakalimutan yung mga sinabi ko ha?" tumango na lang ako at pumasok na sa loob.
"Good Morning sir." bati ko sa kanya pero hindi niya man lang ako tiningnan dahil nakatutok na naman siya sa laptop niya na akala mo wala ng ibang bagay na mas mahalaga pa kasi yun ang gusto niyang kaharap.
Oo nga pala hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa ginawa niya kagabi kaya magpapasalamat na lang ako baka sakaling naibalik ko ang good mood niya.
"Sir..."
"WHAT!" ba't ba ang sungit nito?
"Ano ba ang problema mo? Bakit ba sumisigaw ka na naman?"
Alexander pov!
Bakit ako sumisigaw? Sino ba naman ang hindi mabibwisit sa nalaman ko kanina.
Flashback!
Maaga akong nagising kanina. Actually hindi naman talaga ako nakatulog kagabi sa hindi maipaliwanag na dahilan dahil kahit anong gawin ko hindi ako makatulog kaya kahit alas singko pa lang nakabihis na ako dahil pakiramdam ko may humihila sakin na pumasok ng maaga pero pagdating ko dito sarado pa kaya humanap muna ako ng makakainan ng breakfast at pagbalik ko bukas na pero bigla kong naalala kung bakit dinala si Lory sa hospital kaya pakahatid ko ng gamit ko sa opisina dumiretso agad ako sa cctv room para malaman kung ano talaga ang nangyari kagabi.
"Good Morning po sir." bati ng dalawang bantay na halatang puyat. Hindi pa siguro dumarating ang kapalit nila.
"Nasaan ang record ng video kagabi?"
"Nandito po sir. "
"Gusto kong makita."
"Sige po. Teka lang."
Sinalang niya ang isang cd hanggang sa magplay na ito. Ilang minuto pa nakita ko si na si Lory sa video na sumakay sa elevator. Sa nakikita ko sa video may sinasambit si Lory. Ano kaya yun? Sigurado akong nananalangin na siya sa sobrang takot. Napangisi ako sa naiisip ko.
"Wait. Back forward mo ng konti." sinunod naman ng operator ang sinabi ko at binackforward yung video. "Tama na." Pinatigil ko siya sa parte na kakapasok niya palang sa elevator. "Pakilagyan ng boses."
Are you sleeping bother john? po ang tuno. From the previous chapter.)
"Xander bakulaw,
Xander bakulaw,
Halata naman, halata naman
Mukha niya'y parang tabo
Amoy niya'y parang pako
Ngipin niya'y tanso
Ngipin niya'y tanso."Biglang tumawa ang dalawa at pilit na pinipigilan ng nahalata nila na hindi ako kumibo.
"She's a good composer pare. Is she your personal assistant?"
Isang masamang tingin sng ipinukol ko kay Dave na halata rin na wala pang tulog.
"Shut up!"
Ngumiti lang siya at umiling.iling pero ilang minuto pa lang narinig ko na naman ang boses
niya na kumakanta at sa pagkakataong ito umusok na ang tainga ko.(Same tune po)
"Xander halimaw
Xander halimaw
totoo naman
totoo naman
Tatay niya ay kapre
Nanay niya ay dwende....""Stop that and give me that fucking video!"
Nagmadali namang inilabas ng operator ang cd sa player at binigay sakin.
"Do you have another copy?"
"Wala na po sir."
Kinuha ko ang cd at mabilis na bumalik sa office ko. Maya.maya pa narinig ko na lang ang tunog ng takong ni Lory na palapit.
"Good Morning sir." pumantig ang tainga ko pagkarinig ko ng boses niya kaya hindi ko siya pinansin.
"Sir..."
"WHAT!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano ba ang problema mo? Bakit ba sumisigaw ka na naman?"
"Don't talk to me! Just bring your things, anything that you need for your work and get out of my sight!"
"Ha? Bakit po ba? Ano na naman bang tupak meron ka sir?"
"I said get out!" hindi siya sumagot pero kumunot naman ang noo niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Bakit ba ang hirap niyang makaintindi? "Alright? You don't want to leave then I will leave."
Sinara ko ang laptop ko at dinaanan ko lang siya at lumabas na ako.
Saan ba ako magtatrabaho ngayon? Bakit ba kasi ang lumabas? That was my office. Shit!
Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan ako.
"Tapusin niyo na ang pinapatrabaho ko sa inyo as soon as possible if you need to add more people to finish it immediately then go ahead. Ako na ang bahala sa pangbayad."
Pinatay ko na ang tawag para maghanap ng lugar kung saan ako pwede magtrabaho.
-------------------
Pasensiya na po kung masyadong matagal ang update ko pero maraming salamat po sa lahat ng mga readers na matyagang nag.antay ng sunod kong update.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
Storie d'amoreI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...