Ang Kabataan at ang Suliraning Panlipunan

240 1 0
                                    



Bago ko simulan ang talumpating ito, gusto ko munang magtanong. Ilan sa inyo ang lumahok na sa mga kilos protesta sa Kongreso o Malakanyang? Ilan sa inyo ang mga self-supporting students? Kapag sinabi kong self-supporting, ang ibig kong sabihin ay hindi nakadepende sa mga magulang para sa gastusin sa eskwelahan at iba pang pangangailangan. Ilan sa inyo ang alam na kung ano ang gusto niyang gawin 10 o 20 taon mula ngayon, as far as our society is concerned? Ilan sa inyo ang may malinaw na idea kung anong uri ng lipunang Pilipino ang gusto niyo kapag kayo na ang namumuno?

Hayaan ninyong magkuwento ako tungkol sa akin. Isa akong self-supporting student. Drop out din ako. Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo kasi noong huling taon ko, kinailangan kong mag-full time sa pagtatrabaho. Noong 1946 hanggang 1949, ilan sa mga usaping tinatalakay natin ngayon ay napag-usapan na rin noon sa kampus. Nasa Santo Tomas ako noon. Nagsusulat ako sa college paper at isa sa mga isinusulat ko ay tungkol sa Parity. Unang beses ko rin noong bumoto at makapagpahayag ng aking opinyon sa politika. Ipaaalala ko lang sa inyo na 1946 pa lang, marami nang mag-aaral ang tutol sa Parity. Isa ako roon. Naaalala ko na tuwing magsusulat ako ng pagtutol sa Parity, una ko laging binabanggit na hindi naman ako Anti-Amerikano. Lagi kong binabanggit na siyam na buwan ako sa American Army upang mapatunayang bagaman tutol ako sa Parity, ay hindi ako Anti-Amerikano.

Ngayong binabalikan ko ang nakalipas na 20 taon, hindi ko maiwasang madismaya sa itinatakbo ng kilusan ng kabataan ngayon. Noong 1949, halimbawa, pinangunahan ko ang pag-alis ng UST sa College Editor Guild dahil sa mga dahilang napuna rin ni Mrs. Mary Hollnsteiner. Nagsisimula na kasing umakto ang kabataan katulad ng mga nakatatanda sa kanila. Sa paglipas pa ng taon, ay lalo kong nakumpirma ang ganitong pagdududa.

Isa akong propagandista. Handa akong makipag-usap kahit sa isang tao lang basta handa siyang makinig. Nang simulan ko ang aking maliit na magazine at publishing business, sinabi ko sa sarili kong hindi na ako makikialam sa kabataan. Kaya sa magazine ko, wala ni isang estudyanteng manunulat.

Dalawa, tatlong taon ang nakalipas, positibo akong ang Kabataang Makabayan, na inakala kong mabuting organisasyon, ay magigising sa katotohanan. Mali ako ng akala dahil napag-alaman ko – at ito ang unang beses kong pupunain ang Kabataang Makabayan – na mas inuuna pa nilang pag-usapan ang mga pandaigdigang usapin kaysa sa nangyayari sa ating lipunan. Sa halip na punain ang kalat sa lansangan ng Maynila, ang patuloy na pang-aabuso ng oligarkiya sa mga magsasaka sa tubuhan, o ang kurapsiyon sa pamahalaan, mas inuuna pa ng mga kilusang tulad ng Kabataang Makabayan ang magprotesta laban sa mga Amerikano. Hindi ko sinasabing inosente ang mga Amerikano. Pero kung ililista ko ang mga kalaban ng ating lipunan, ilalagay ko sa ikatlong bilang ang mga Amerikano. Uunahin kong banggitin ang mga ilustrado – ang mga elite, ang mga nakatira sa Forbes Park, ang mga oligarch na may-ari ng mga dambuhalang kompanya, ang mga taong gumagasta ng milyon-milyon para lang sa isang pagdiriwang, ang mga politikong nahahalal sa pinakamatataas na posisyon – lahat ng taong tinitingala natin dahil marami silang pera ngunit wala namang pagsisikap na iangat ang buhay ng nakararaming Pilipino.

Kung babalikan ang kasaysayan, ang mga ilustradong ito ang kumampi sa mga Espanyol. Ito rin ang mga ilustradong nakipagtulungan sa mga Amerikano, at, ang mga ilustrado nakipagtulungan din sa mga Hapones. Sa madaling salita, naging gawi na ng mga taong ito ang dumikit sa kung sinong namumuno. Ngayon namang malaya na tayo, ang mga ilustrado ring ito ang kadikit ng ating mga politiko. Sabi nga ni Salvador Madariaga, "A country need not be oppressed by foreigners; a country can be a colony of its own elite."

Isasama ko rin sa listahan ang mga totalitaryan. Sila ang mga taong nananalig sa totalitaryanismo na nagsusulong palitan ang ating demokrasya, maging sila'y mga pari, komunista, o mga negosyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kabataan at ang Suliraning PanlipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon