"jusko po! Lord! Please tell me na hindi alam ni Ivoh na crush ko sya!!"
huhu grabe kagabe pa talaga ko nabobother kung narinig ba nya yung sinabe ni Lizel oh ano eh. Kinakabahan talaga ko. Hindi ko alam kung bakit pero baka kasi maging awkward. blockmates pa man din kami. meaning 5 months kami magkikita araw-araw! huwaaaaaa!!!
"ay nako Jeng, ano ba iniiyak mo jan? ayaw mo pa ba nun. You're a step closer kay Ivoh if ever alam nya na crush mo nga sya." si Maika.
Etong babaeng to kahit baliw baliwan minsan may matino padin nasasabi.
hm .. may point nga naman sya. Kaya lang nakakahiya talagaaaaa!!
atsaka, hindi ko naman talaga ganun ka"crush" si Ivoh. One time kasi, nag Mall kami ng mga bruha at nag arcade yun din yung time na nakita ko si Ivoh na nagbabasketball dun sa arcadan kasama mga barkada nya.
And the first time I saw him, he was so damn hot! I mean, yes he's wearing his fitted uniform that time pero the way he shots the ball .... ugh! grabe ang hot! promise!
I always have a thing sa mga lalaking magaling magbasketball. I dunno siguro dahil nadin sa yung pamilya namin mahilig sa sport na yun, actually lahat ng lalaki sa pamilya namin naglalaro nun kaya halos ito nadin yung bonding namin.
kaya din siguro madalas ang mga nagugustuhan ko ay yung mga player .. ng basketball.
Just like Ivoh and also Jonah.
Jonah.
kamusta na kaya yung batang yun?
nakakamiss din yun ah. Kung makapagsalita naman ako kala mo kilala nya ko!
Pero kung papapiliin ako kung si Ivoh or Jonah? hmm ...
"Hoy Jeng! Spacing out again and again?! Uwi na tayo!"
"Ay bwiset ka talaga Lizel! tigilan mo ko kaka english mo,kalbuhin kita eh! Tara na nga!"
tsss .. leche talaga babaeng to! ano na nga ba yung sinasabe ko kanina? ay hayaan na nga!
--
"iba na talaga panahon ngayon, kung dati kapag may laro yung team natin punung puno yung court eh ngayon kapag championship nalang yata nangyayari yun." Tito Jay.
"sinabi mo pa. sinabayan pa ng iba na yung namahala sa lugar natin kaya hindi masyado napagtuuan ng pansin ang basketball." si Daddy ko.
"nandun narin lang tayo eh bakit hindi pa natin buhayin ulit yung dati? tutal naman kami na namamahala dito!" tito Jay ulit
Si tito Jay nga pala ay daddy ni Jonah. uh huh! friends sila ng daddy ko. nasabi ko na rin naman yun dati.
Nandito sila ngayon sa bahay at mejo naglalasingan. dejoke. shot shot lang.
hindi ako kasali sa inuman nila ha! sadyang malakas lang boses nilang dalawa kaya naabot hanggang dito sa dining table kung saan hindi rin naman kalayuan sa pwesto nila.
Totoo yung sinabi nila na noong panahon nila kapag may laban ng basketball halos lahat ng tao sa lugar namin nanonood kaya damang dama mo talaga yung kumpetisyon.
sayang nga lang at hindi namin naabutan yun. pero hopefully maibalik nga talaga nila yung dati.
"Dad! andito ka lang pala kanina ka pa pinapahanap ni mama."
"oh nak. hay nako hayaan mo muna yang mama mo. miss lang ako nun. pasok ka muna papakilala kita kay Jeng."
Owhmygosh with the capital Ohw!!!
"Jeng nak, labas ka nga muna .. "
huwaaaaaa!!! is it true what Im seeing?! siya?! nandito sa bahay ko?! este namin?! homaygad! praise God!!
"hoy Jeng! tawag ka ng daddy mo oh!"
mommy naman eh!
"ha? eh .. opo. eto na .."
"pst! sara mo bibig mo mahalata ka nyan."
"Ma naman eh!"
"hihihihi"
jusko po ilan taon na ba talaga tong nanay ko?
"oh Jonah si Jeng. Jeng si Jonah my boy!"
"eh hehe. h-hello"
syeeeeet!
"Hi :)"
oh pano, alam nyo na?
KINIKILIG AKO!
BINABASA MO ANG
KINIKILIG AKO! (Summer Diary)
Romance"Sabi nila ang crush daw parang unli, may 1 day, 2,3, or 5 days or 1 month pero kapag tumagal yan sa 1 month matakot kana, MAHAL na yan!" Typical Teenage CRUSH-LIFE ♥