Oneshot.

1K 66 28
                                    

We don't talk anymore like we used to do.

A short shot for SeulRene shippers.

***

Masakit. Masakit makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba.

Yung nakikita mo sya. Pero hindi ikaw ang kasama nya.

Yung masaya sya. Pero alam mong wala ka sa tabi nya.

Miss na miss ‘ko na sya. Pero bakit nga ba unti unting lumayo ang loob namin sa isa’t isa?

Hindi ‘ko din alam. Siguro dahil iniwasan ‘ko sya dati (?)

Natakot lang naman ako. Natakot na mahulog sa kanya. Dahil wala namang sasalo.

She‘s perfect. Maganda, Matalino, Mabait. Maalaga.

Sino nga ba naman ako para magustuhan nya? Im just a useless dumb bear.

Walang wala ako kumpara sa kanya.

Miss na miss na kita” I whispered.

Sabihin na natin na close na close talaga kami dati to the point na nahulog na nga ang loob ‘ko sa kanya. Nahulog ako Unti unti. Na parang bulalakaw.

At natakot ako na masira lang ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ‘ko kaya pinili ’ko na dumistansya sa kanya. Pero mukhang nasira na nga ang pinagsamahan namin ng ilang taon dahil hindi na nga kami nagpapansinan.

Magkamyembro kami pero parang hangin na lang ako sa kanya.

Masisisi ko ba sya? Malamang ay nasaktan nga sya dahil sa biglaan ’kong paglayo sa kanya.

Stop trying, Unnie. She’s happy without you.” Sabi naman ni Joy kaya napatingin ako sa kanya, “Im not saying this to hurt you. Gusto ‘ko lang malaman mo ang pagkakamali mo. Ikaw ang lumayo, Unnie. Ikaw ang dahilan kung bakit ganyan ang sitwasyon nyo.” Sabi nya pa.

Napabuntong hininga ako, “Natakot ako Anong magagawa ’ko?

Dapat sinabi mo sa kanya ang feelings mo.

Napatawa naman ako ng mapait. “Edi mas lalo kami naging awkward? Wag nalang. Ayos na ‘ko sa ganito. Kesa naman magiba ang tingin nya sa‘kin.

Rejection. Iyan ang dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot umamin ng feelings nila.

Natatakot ako…

We don't talk anymore | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon