Ang Bundok Ng Bararuba

1.4K 23 1
                                    

Nag outing sina Beatriz, Alma, Larry, Aja, Ruel at Jay sa Batangas. Masaya naman silang mag ka-kaibigan noong nakarating na sila sa bayan ni Ruel.

Naisipan nilang mag hiking sa bundok ng Bararuba. Kilala ang lugar na ito dahil misteryoso daw ito at maraming nawawalang dayo dito.

Maraming nag sasabi na ang bundok na ito ay lagusan papunta sa kabilang buhay pero ang iba naman ay naniniwala na ang lugar na ito ay pugad ng mga masasamang ispirito at ibang nilalang. 

Dinala ng mag ka-kaibigan ang mga gamit nila at at nag tayo sila ng tent malapit sa paanan ng bundok.

Habang nasa kapatagan pa ay nag luto sila Alma at Aja habang sila Beatriz at Larry ay namumulot ng kahoy sa paligid.

Sa grupo ng mag ka-kaibigan ay  sila Beatriz at Larry ang mag kasintahan.

Habang namumulot sila ng kahoy ay di nila namamalayan na palayo na sila ng palayo sa mga kasama nila. Ilang minuto din silang nawala.

Napansin naman ni Jay na wala ang dalawa kaya hinanap nya sila at tinawag na para mag lunch. Nahanap nya ang mga ito kaya nag simula na silang mag lunch. 

Masaya silang nag ki-kwentuhan habang kumakain. Kasama din nila si Mac na pinsan ni Ruel at alam ang pasikot sikot sa kagubatan. Na kwento din ni Mac ang mga misteryo na bumabalot sa lugar na yun. Hindi naman naniniwala ang mag ka-kaibigan at gusto nilang tuklasin kung ano ang kababalaghan na nangyayari sa lugar na yun.

Pagkatapos nilang kumain ay nag pahinga sila ng sandali pagkatapos ay nag umpisa na silang mag hiking.

Mag ka holding hands sila Beatriz at Larry habang nag la-lakad at sinusundan naman nila sila Alma, Aja at Jay.

Tumigil sila sa isang sapa at nag tampisaw sila Aja, Alma at Beatriz habang ang mga lalaki naman ay pinag mamasdan sila.

Nag paalam sandali si Larry para gumamit ng palikuran at lumayo sya sa grupo.

Ilang sandali na lang ng nilapitan sya ni Nadine.

Niyaya nya itong sumama sa kanya.

Hindi makatanggi si Larry dahil nabighani sya sa ganda ni Nadine.

Lumayo sila Larry at Nadine. Pinakilala ni Nadine si Larry sa mga magulang nito na sina Rialyn at Steven. Inalok nila syang kumain at nakipag kwentuhan pa ito sa kanila.

Sa panig naman nila Beatriz ay nag aalala sila dahil nawawala si Larry. Bumalik na sila sa kapatagan dahil hindi nila mahanap si Larry. Iyak naman ng Iyak si Beatriz. Nangako naman sila Ruel, Jay at Mac na hahanapin nila si Larry  pag lumiwanag na.

Dama nila Alma at Aja ang kalungkutan ni Beatriz. Wala naman magawa sila Jay, Mac, at si Ruel dahil madilim na at mahihirapan silang hanapin si Larry sa kagubatan.

Kinaumagahan umalis silang mag ka-kaibigan para hanapin si Larry. Alam ni Mac na kinuha sya ng mga engkanto kaya nag punta sila sa isang malaking puno ng akasya at nilabas nya ang itak nya.

Bago pa man nya itaga sa akasya ay lumabas si Steven.

Sa grupo, si Mac lang ang nakakakita kay Steven at di nakikita ng iba. Kinausap nya si Steven na ibalik nila si Larry pero ang sabi naman ni Steven ay kabilang na si Larry sa kanila.

Inilabas nya lang si Larry para makausap ni Larry ang mga  kaibigan nya.

Beatriz: Hon, please umuwi na tayo.


Larry: Dito na ako. Masaya ako dito.

Beatriz: Huwag mong gawin sa akin ito.

Ang Bundok Ng BararubaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon