***
(Ashley)
"I'm sorry." Napaismir na lang ako sa sinabi nya. What is he sorry for? Sa dami ng kasalanan nya sa akin, hindi ko na alam kung para saan pa ang paghingi nya ng tawad.
Ibinaling ko ang paningin ko sa labas ng coffee shop. Madilim na pero ganun pa rin karaming sasakyan ang nasa kalsada. Hindi ko alam kung bakit, pero mas gusto ko pa yatang bilangin ang mga kotseng dumadaan kesa ang harapin sya. This talk is useless. Bakit nga ba ako sumama sa kanya? Ah yeah! Because he threatened me.
"I'm begging Ashley, please let's talk."
"Wala tayong pag uusapan Rio."
"Then I have no choice but to tell Seven that you're here."
Mariin akong napapikit at humugot ng malalim na hininga. Why did I even let him fool me? The blame is on me again this time.
"How are you?" Napabaling ako ng tingin sa kanya. Ang gago lang! Ang taas din naman ng apog ng isang 'to! How are you?! Kamusta ako? Bullsht! Iyon na ba ang pinakamatino nyang masasabi?
I glared at him sharply, pero sya diretso pa rin ang tingin sa akin. Malamlam ang mga mata nya at hindi ko mabasa. Kung may hindi man namana si Myte sa kanya, it is his eyes, at kung meron mang namana si Ashton sa kanya, still his eyes. Dmn it!
"I'm good." Maikli kong sagot sa kanya. Why would I tell him that I'm not fine? Para ano? Para saan? He can fool anyone, pero hindi ako. Hinding hindi na. Once, twice, fcking thrice is enough!
"I'm sorry." He's not breaking our eye contact ng sinabi nya iyon. Hindi man lang sya kumurap. Hindi ko mapigilan ang galit na rumaragasa sa sistema ko. Hanggang kailan sya hihingi ng tawad? Kailan nya kaya maiisip na hindi ko sya mapapatawad? Kung may natitira man akong feelings sa kanya, galit iyon, galit at pagkasuklam.
"Denied." Umirap na lang ako at sumisim sa tasa sa harapan ko. Ramdam ko pa rin ang hilo dahil sa alak na ininom ko kanina. Pero kahit ata lasing ako hindi ko kayang magdeliryo at magpanggap na okay kami.
"I miss you." Muntikan kong maibuga ang kapeng ininom ko ng sabihin nya iyon. My hands began to tremble, hindi dahil sa kung ano, kundi dahil sa pagka irita. He missed me? Huh! Who is he kidding?
"Huwag mo nga akong patawanin Rio." Singhal ko sa kanya. Talaga palang wala syang konsensya. Matapos ang mga nangyari, heto't sinusubukan na naman nyang paglaruan ako. He's so evil. Sukdulan ang kasamaan ng isang 'to, and I can't believe na minahal ko sya noon. Ngayon alam ko na kung gaano ako naging tanga.
"I miss you so much." He tried to reach for my hand pero mabilis akong umiwas. I looked up at pinigilan ang sarili ko. I don't want to make a scene here, pero hindi ko na ata kaya.
"Pwede ba!" Agad akong tumayo at hinagis sa kanya ang table napkin. Nagtinginan ang mga nasa kalapit naming lamesa and the hell I care! Hinablot ko ang bag ko at tinalikuran sya. Pero bago pa man ako makalayo, narinig ko pa rin ang ibinulong nya.
"Ashley. Ashley. You're fcking mine. Still mine..."
Halos kilabutan ako ng dahil doon. At dahil hindi ko na kaya pang bumalik ay pinalipas ko na lang. Wala na rin namang mangyayari kung papatulan ko pa sya. The best advice that I could give him is that magtino na sya para sa anak nya. Humanap sya ng matinong babae, pakasalan and live a happy life. That can't be me anymore. I've learned my lesson and Rio is not good for me.
BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
General FictionHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?