Ayoko Na (One-Shot)

42 1 0
                                    

Ayoko na...

Dalawang salita. Dalawang salita na nagpaguho ng mundo ko. At ngayon ko lang natutunan na totoo ngang nasa huli ang pagsisisi...

- flashback -

"Babe, kantahan mo ko." sabi ni Ashley, girlfriend ko for 2 years.

"Anong kanta?"

"Kahit ano basta romantic." sabi niya with a smile.

"Happy birthday to you. Happy birthda---"

"Ayoko niyan." sabi niya sabay simangot.

"Kanta naman yun ah?"

"Sabi ko romantic."

"O di kung ayaw mo nun, di na ako kakanta." sabi ko habang naglalaro sa iPad ko. Halos 10 minutes na siyang tahimik habang nakatingin lang sa mga taong dumadaan.

"Uwi na tayo." Ashley

"Ok." Tahimik siya buong byahe. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila tsaka lang siya nagsalita.

"Thank you sa paghatid." sabi niya. I was about to kiss her sa cheeks pero umiwas siya.

"Anong problema?"

"Wala." Siya

"Tell me what's the problem."

"ANO BA, AARON? MANHID KA BA?!!"

"ANO BA KASING PROBLEMA MO?!!"

"IKAW! IKAW YUNG PROBLEMA KO! Ano bang nangyayari sayo? You're being cold. Nasan na yung Aaron na mahal ko, yung Aaron na mahal ako? Nasan na yung Aaron na malambing, maalaga at mapagmahal? NASAN NA SIYA? Kapag nagtatampo ako, nagagalit ka, di mo lang ako kayang lambingin. Kapag nalulungkot ako, di mo man lang ako masabihan ng kahit ano to cheer me up. Kapag may sakit ako, ni hindi mo man lang ako maalagaan. Kapag naglalambing ako parang wala lang sayo. Ni simpleng kantahan ako, di mo na magawa. You're very different from the Aaron na kilala ko. Palagi ko na lang iniintindi. Pagod na ako, pagod na pagod. Hindi ko na kaya. Maghiwalay na tayo."

"W-what?"

"Ayoko na." yun lang at lumabas na siya sa sasakyan ko. Shit. What the hell just happened?

- end of flashback -

1 month na ang nakakalipas pero ang sakit sakit pa rin. Hindi ko inexpect na darating kami sa puntong ito. Hindi ko inexpect na iiwan niya ako. Masyado akong naging kampante dahil mahal niya ako. Dahil sa kapabayaan ko kaya wala na siya sa tabi ko, wala na yung taong mahal ko, wala na yung mundo ko.

Para akong tangang kanina pa lakad ng lakad. Wala akong magawa. Kung nandito lang sana siya, marami na siguro kaming napuntahan at nakain. Matakaw kasi yung babaeng yun, pero ang payat-payat at ang gaan niya kapag binubuhat ko siya. Miss ko na siya, sobrang miss ko na siya. Nakakainis. Paulit-ulit kong sinusuntok itong pader pero shit lang! Hindi pa rin enough yung sakit kumpara sa sakit na naibigay ko kay Ashley.

"Mahal na mahal kita, Ashley. Bumalik ka na sakin please..." Patuloy yung pagbuhos ng luha ko at pagsuntok ko sa pader. Napatigil ako ng may biglang humawak sa braso ko.

"A-ashley?"

"Tama na yan, Aaron."

"ASHLEY!" Hindi ko napigilan at niyakap ko siya ng mahigpit. "Ash, bumalik ka na sakin, please? Hindi ko na kayang wala ka." sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Ayoko na, Aaron." Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

"Please? Give me one more chance."

"Tao lang tayo, nakakasakit at nasasaktan. 1 month na ang nakalipas pero hindi pa rin kita makalimutan. At sa 1 month na yun, napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko pala kaya. Na-realize ko kung gaano kita kamahal."

"Ibig sabihin-----"

"Oo, Aaron. Ayoko na. Ayoko ng mahiwalay pa sayo." sabi niya with a smile. Sa sobrang saya ko, nayakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, Ashley, I won't promise anything to you but I will do everything and anything to make this relationship work. This time, I will make it right. I will always make you feel loved. I will treat you like a princess. I'm so sorry for eveything, Ash. Thank you for giving me this chance. I love you so much and forever will." Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya and we shared a sweet kiss.

 "I love you too, Aaron" she said giving me a sweet smile...

One thing I learned from this experience: NEVER TAKE SOMEONE'S FEELING FOR GRANTED. TAO DIN SILA, NAPAPAGOD. If you don't want to suffer the consequence of losing him/her, make her/him feel loved always. As one article says: "Courting does not end after we both said 'I do'."

Ayoko Na (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon