Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Tiningnan ko ulit si kuyang labandero. Ang cute naman nya. Hindi sya nakatingin sa akin dahil nakaharap sya sa gilid. Side view sya ganern.
Pero ang cute nya talaga. Habang nakatulala ako, bigla syang tumingin sa akin.
"Enjoying the view?" he smirked.
"Yabang" sagot ko.
"what?"
"Mean, rude, boastful, etc."
"Just telling the truth" he smiled.
Cute nga ang yabang naman. GGSS ang koya.KABADTREP DONG.
Hindi na ako nakaganti dahil narinig kong tapos na ang nilalabhan ko.
Tumayo ako at tinalikuran sya. Kinuha ko ang basket at binuksan ang washing machine.
Pagkalagay kong lahat, aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ng isang kamay. Kamay ng lalaking labandero. In fairness hindi magaspang ang kamay nya.
"What?" tanong ko.
"I'll help you" sagot nya.
"Thanks but no thanks"
Kinuha nyang pilit ang basket at dumiretso na sa pinto. Sumunod naman ako sa kanya na pilit pinapababa ang basket.
Nasa tapat na kami ng elevator at pinindot nya na agad ito.
Nang magbukas ay pumasok na sya at sumunod naman ako.
"Room number" usap nya.
"1013"
"Oh, so you're the one who's living in that room huh?"
"So?"
"I planned to have that room but they said that you're a VVIP in this condo"
Bumukas na ang pinto ng elevator nauna syang lumabas at tuloy tuloy lang sa room ko.
Siguro may gusto sya kay Athena, baka nagkita na sila kanina. Bat naman nya malalaman yung number ng room namen? Ah basta... Naguguluhan ako.
Tumigil sya sa tapat ng room ko.
"1013" he said.
Ano naman sa kanya kung yun yung kwarto ko?
"Thanks"
"welcome"
Naglakad na sya papunta sa kung saan man sya pupunta.
Ako naman, pumasok na sa kwarto para magligpit ng damit.
Pagpasok ko sa kwarto, bumungad sa akin si Athena.
"Nagulat ako sayo"
"Sino yon?" Nakatingin sya sa akin ng mapagbirong tingin.
"Wala"
"Wala daw, pero hinatid ka dito para sa damit na nilabhan mo"
"Wala nga. Nakilala ko lang sya dun sa laundry sa taas, ano naman sayo?"
"Ang gwapo kasi eh, pakilala mo naman ako"
"AYOKO"
"Luh? Selos ka?"
"Huh?Hindi ah"
"Tumigil ka na nga kumain na tayo gutom na ko" dagdag ko.
___
"Ano balak mo today?" tanong ni Athena habang papalabas sa CR.
"May nakita akong park malapit lang dito, punta tayo?" Tanong ko habang nakaharap sa laptop.
"Sure"
"Sige bihis lang ako"
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at pumunta na sa closet.
Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko na ang aking bag at wallet.
Si athena naman ay tapos na ding mag ayos.
"Halika na excited na ko. Sana may bike don"
Hinila nya na ako palabas ng pinto.
Habang naglalakad kami ni Athena ay may tumawag sa cellphone ko.
(Hello)
"oh? Cindy... Kelan ka pupunta dito?" Tanong ko.
"Next week siguro"
"sige siguraduhin mo ha"
"San kayo ngayon?"
"Papuntang park baket?"
"Wala naman sige ingats mwuaahh"
*toooootttt*
"Bastusan eh no may sasabihin pa ko eh"
"Bat naman kaya tumawag yon?"Tanong ni Athena.
"Nangangamusta"
"Uyyyy may bike oh! rent tayo"
"G lang"
___
Habang nag babike ako ay pinagmamasdan ko din ang mga tao dito sa park. kakaunti lang ang tao. Yung iba pa nandito lang para makalanghap ng sariwang hangin pero kaharap pa din ang laptop or cellphone nila.
Di ko namalayan na mahina ang preno ng sinasakyan kong bike.
Medyo mabilis ang takbo ko kaya ginamit ko ang paa ko pang preno.
"Tulonggg" napasigaw na lang ako sa takot.
Babangga na sana ako sa puno kaya nakapikit na ako ngayon.
*BLLLAAAGGG*
Shit.
May humawak sa beywang ko at hinila ako para makaalis sa bike.
Nakapikit pa din ako sa sobrang takot.May naririnig akong boses ng lalaki.
"Miss"
HUHUHUHU Naiiyak ako!!
Pagkadilat ko ay bigla ko na lang syang niyakap sa sobrang takot ko.
tumulo na ang mga luha ko sa sobrang kaba.
"Sshhh it's okay. Don't cry" sabi pa nya.
Natigil na ko sa pag iyak. Dahil nahihiya na ako sa kanya.
NAKAKAHIYAAAAAA!!!
YOU ARE READING
A Peculiar Love
RomansHindi ako nag eexpect ng malaking bagay. Wala akong hinihiling na dumating sya sa akin. Pero nandito na sya ngayon. Nagpapangiti. Nagpapasaya. At bumubuo ng araw ko. Pero dahil sa mga tao, wala akong pag pipilian kundi ang sumuko sa kung anong mer...