The Shoe

10 2 0
                                    

Hindi kita kilala. Isa ka lang sa mga estudyanteng hindi ko matandaan ang pangalan o pati man lang ang mukha. I'm bad at remembering people's names and stuff. Ako yung taong palaging nagtatanong ng "Sino ka nga?" "Ano nga yung pangalan mo?"
Madalas nga akong mabatukan ng mga kaibigan ko dahil sa inaasal ko.

Hindi ko naman kasalanan kung ganito talaga ako. Mahirap kasi tandaan ang mga taong wala namang maitutulong sa iyo 'di ba?

Nakilala kita dahil sa mga kaklase ko. Isa kang lider ng banda, todo suporta nga sila no'ng nasa entablado ka. Hindi naman kayo masyadong sikat at wala akong pakialam sa mga ganun. Noong narinig kitang kumanta, isang bagay ang napansin ko. Nagpapakita ang ugat mo sa leeg kapag kumakanta ka.

Haha. Ang gaga ko 'di ba? Napansin ko pa 'yon, eh dapat yung boses mo ang agad kong mapapansin pero bakit yung leeg mo pa? May sinabi nga yung gitarista sa 'yo. Tapos bigla kang sumigaw ng ewan. Hindi ko kasi narinig. Nagtilian ang mga tao no'n akala ko may dedication ka para sa kung sinong babae, 'yon pala request lang 'yon ng kabanda mo para sa babaeng gusto niya. Sus, kalandian.

Pero, wala naman akong pakialam n'on. Di ko nga alam pangalan mo at wala akong planong alamin 'yon.

Nung nagtagal nakalimutan na kita. Natural, may kanya kanya tayong buhay, naghihirap na nga akong mabuhay papakialaman pa kita? Swerte mo.

Isang taon ang lumipas, bigla kitang nakita, lagi naman kitang nakikita eh. Nasa iisang paaralan lang kaya tayo, imposibleng di kita makita maliban nalang kung bulag ako. Pero wala pa rin akong pakialam nun.

Magkatagpo lang tayo nun, katulad ka rin ng iba pang estudyante na nakakatagpo ko. Hindi kita napapansin, hindi mo 'ko pinapansin at wala rin akong planong pansinin ka.

Hindi tayo magkaklase, kung sanang magkaklase tayo 'edi matagal ko nang alam pangalan mo. E hindi naman, kaya nevermind the name. Wala akong karapatang alamin pangalan mo, di naman ako interesado sayo.

Pero letse tila binigyan ako ni Lord ng pagkakataon para madinig ang pangalan mo, may tumawag sayo non. Narinig ko ang sinabi ng taong tumawag sayo. Iyon pala ang pangalan mo? Ang pangit pakinggan, parang bata. Alam ko namang palayaw lang iyon eh. Pero wala akong pakialam sa totoong pangalan mo, nasabi ko na bang wala akong planong alamin ang pangalan mo?

Napansin ko na laging lumalabas ang kaklase ko para maka-usap ka. Sini-ship ko pa nga kayo non. Lalake sa lalake ayie. Ang sweet ng bromance.

May aktibidad non at tumulong ka sa'min. Ewan kung bakit ka tumulong sa amin, siguro dahil sa mga kaibigan mo. Saludo ako sa bromance. Kasama kita non, iba kasi iyong gawain ng baitang namin. Sa araw na iyon kailangan protektahan ang mga babae. Ma-pride ako at ayaw ko ang maging mahina at pinoprotektahan ako kaya wala akong pakialam kung sino sino ang mga pumapasok sa klase namin.

Dumating sa punto na nakorner ako ng mga grupo ng lalaki, ang sarap nilang bigwasan kung pwede lang. Ewan ko kung sinong tumawag sa'yo dahil bigla kang dumating, agad naman akong tumakbo sa likod mo na parang batang nagtatago sa likod ng kanyang kuya. Ang sikip ng dibdib ko non, takot na takot ako. Gusto kong umiyak pero ayaw kong ipakita ang mga luha ko. Kaya sa bahay ko nalang inilabas lahat. Namaga pa nga ang mata ko.

Gusto ko sanang magpasalamat sa yo pero di ko magawa. May nangyari sayo pagkatapos non. Concern ako sayo pero konti lang, di ko masyadong pinakita. Sabi mo ayos ka lang, itinaboy mo kami dahil hindi naman malaki ang nangyari sayo. Ipinagpatuloy mo ang iyong gawain at pinagpatuloy ko rin ang sa akin.

Matapos non, nagpahinga na kaming lahat pati rin ikaw. Nakita kitang umuupo sa labas nag-iisa, tumitingin sa langit. Gusto kitang kausapin para pasalamatan ka, pero dahil hindi tayo masyadong close at nabibilang lang ang pag uusap natin, hindi ko na lang ginawa.

Lumipas ang panahon palagi na kitang nakikita. Close ka sa mga kaklase ko. Kaya lagi kang naglalakwatsa kasama sila. Haha.
Okay lang, sinusuportahan ko naman ang bromance niyo.

Lumipas ulit ang mga araw di na kita masyadong pinapansin, hindi naman tayo nagpapansinan sa simula palang. Naiingit ako sa mga kaibigan mo, may karapatan kasi silang kausapin ka samantalang ako wala. Makipagkaibigan kaya ako sa yo? Huwag na, nakakatamad.

Bigla kang pumunta sa klase namin siguro para manood ng group performance ng mga kaibigan mo. Pagkatapos naming sumayaw umupo ako sa tabi ng pintuan. Katabi ko mga kaibigan mo. Bigla kang umupo malapit sa akin pero di ganon kalapit, tinanong mo iyong kaibigan mo kung tapos na ba silang sumayaw, hindi mo kasi nakita performance nila. Lumingon ako sa 'yo at pati na rin ikaw, tinanong mo ako kung kasama ba ako d'on at kung tapos na ba kami. Sabi ko "Oo." di mo siguro ako nakita.

Iyon ang unang pag uusap natin maliban nong araw ng aktibidad. Ang saya ko non. Sa wakas nakausap kita ulit. Pero pagkatapos non, hindi na naman tayo nagkaroon ng pag uusap. Lumipas ang mga araw at may dalawang buwan nalang tayong natitira bago maggraduate sa Junior High pagkatapos non magta-transfer na ako. Di bale may dalawa pa namang buwan para makausap kita.

Nagulat ako nong in-add mo ako sa facebook, medyo lang naman. Di naman kita gusto, may crush kaya ako. Hindi kita agad nakilala dahil iba ang pangalan mo. Pero in-add ko pa rin, wala naman akong pakialam kung sino sino ang mga friends ko sa fb. Nakilala lang kita nong ginawa mong profile pic. ang mukha mo.

Daming nag-greet sa yo nong kaarawan mo, pero ako hindi. Di kaya tayo close. Nakakagulat naman kung bigla akong magpo-post sa wall mo. Pero sa totoo lang, gusto kitang batiin, gusto kitang kausapin ewan ko lang kung bakit. Oo, gusto kong magpasalamat pero may iba pa akong gustong sabihin sayo, pero di ko alam kung ano.

Akala ko di na ito mauulit pero nagkausap tayo. Nasa labas ako non pati rin ikaw. Binanggit mo ang pangalan ko, agad naman akong lumingo sayo. Tinanong mo ako kung kailan ang susunod na aktibidad na magkakasama tayo, sinagot kita, sabi ko wala na. Tinanong mo ulit ako ng parehong tanong sinagot ulit kita katulad ng dating sagot. Tatlong beses ka nagtanong ng ganun, tatlong beses rin akong sumagot. Pagkatapos non may sinabi ka "Magkakaroon pa ba ng ganon? Yung magkakasama tayo? " Sabi ko "Hindi na."

Natahimik ka at ngumiti, yung mapait na ngiti, may halong lungkot at pagkatapos non umalis ka. Kumirot ang dibdib ko para akong inatake sa puso.

Nagising akong hawak-hawak ang dibdib ko. Umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nagalit sa sarili ko dahil nagising pa ako. Gusto kong bumalik ang panaginip na yon pero hindi na ito bumalik. Ang hirap pala nito no? Nagkikita tayo, kilala natin ang isa't isa. Pero hindi tayo nag-uusap. Wala naman tayong relasyon kahit magkaklase man lang, wala.

Naitanong ko sa sarili ko, napaniginipan mo ba ako nong gabing yon? Galit na galit ako sa yo ikaw kasi ang dahilan kung bakit namaga yong mga mata ko kinabukasan. Buti at hindi nila napansin.

Panaginip lang iyong huling pag uusap natin. Ang huli talagang pag uusap natin ay nong magkatabi tayo. Yung isa sa panaginip ko lang iyon. Ewan ko kung bakit kita napanaginipan, at hanggang ngayon di ko parin nakakalimutan ang mga tanong mo. Normal kasi sa mga tao ang makalimutan ang panaginip kinabukasan. Pero yung sa yo hindi ko malimut-limutan.

Nong pasukan nakita kitang ngumingiti kasama ang mga barkada mo hindi mo ako napansin nung nabangga kita. Ang saya mo, buti ka pa. Ako dito namamaga ang mata dahil sa panaginip na yon. Alam mo ba kung bakit ako umiyak? Hindi ko rin alam eh.

Basta masakit ang puso ko. Nahihirapan nga akong huminga minsan. Sabi ko sa sarili ko na huwag madrama dahil hindi naman naging tayo at wala rin akong gusto sayo. Natatawa ako habang iniisip kung bakit ako umiyak non. Iyon kasi ang unang beses na may iniyakan ako. Parang patay lang ang peg mo. Anong tawag non? Nagpapahiwatig ka ba?

Hindi naman. Kasi nagkita tayong muli, yun nga lang lumuluhod ka na harapan ko.






Sa harapan ng lapidang may nakaukit na pangalan ko habang may dala dalang puting rosas.

"Maybe we're just like a shoe and a rock, maybe we're only meant to bump each other while passing by."
-theecrivain

Shoe and Rock (Her)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon