Psst!.... I Love you [One-shot]

365 20 4
  • Dedicated kay Maria Julianne Makinano
                                    

R E V I S E D

 

“Psst!”

Sino yun? Baka si Brian lang 'yan o kaya naman si Andrea. Nandito kasi ako ngayon sa may garden. Mag-isa, nakatulala.. Hindi 'ko kase alam 'kung saang lupalop ko hahanapin si Drea. Kaya ayun. Mag-isa nalang muna ako'ng kumakain dito.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Hindi ako nagkamali. Si Brian nga. Siya lang naman yung sumisit-sit sa'kin eh.

“Bakit? Malalim ka ba?” Pabulong kong tanong.

Humarap siya sa'kin habang naka-ngiti. Ang pogi niya talaga. Shems! kinikilig ako.  "An'sabe mo?" 

"Ahh? Wala ah! Sa-sabi ko babalik na 'ko sa classroom. Mag ta-time na kasi eh! Sunod ka na ah?" Nag-paalam na ako. Baka kasi kung ano pa ‘yung masabi ko, eh. Kinuha 'ko agad 'yung juice na nasa damuhan at tumayo na.

Pero bago pa ako tuluyang maka-layas.. nahawakan na niya ‘yung wrist ko. Omg, Brian, wag kang ganyan! “Huwag ka munang umalis, please? Mag-papatulong kasi ako sayo..”

Saan naman? “Sa homeworks? Sa pagkaka-tanda ko naman, wala tayong homeworks, eh.” Takang tanong ko sakanya. Napansin ko naming medyo natawa siya kaya nag-taka ako. “Hindi..”

“Eh, saan?”

Ngumiti siya ng malapad. “Magco-confess ako sa babae!” Sigaw niya. Ang saya niya ah.

*dug dug*

 

Ahh.. so may gusto na pala siyang iba? O baka naman ako yun? *iling-iling* Hindi naman siguro mang-yayari yun.

 

“Ah.. eh? Hehe! Ang daya mo! Sabi mo sakin lately, wala ka naming nagugustuhan!” Kunwaring nag-tatampo kong sagot. Para matakpan yung pagkabigla ko. Haha. Napakamot naman siya sa batok niya. “Eh.. kasi..”

“Ay, sus. Namula pa! Sorry pero, may gagawin pa ako, eh. Sa iba nalang, okay? Atsaka, look.. magta-time na..” Palusot ko. Kailangan ko ng umalis. Di ko kaya yung sakit..  Honestly.. Libre pa ako ng isang oras. Kakaiba talaga ‘tong school na ‘to.

“So.. alis na ako?” Sabi ko sabay talikod na. “P-pero..”

“Sige na! Mag-sstart na klase mo. Baka malate ka pa. Masungit pa naman ‘yung professor niyo. Tsk.” Pag-putol ko sa mga sasabihin niya.

 

Sino kaya ‘yung maswerteng babaeng ‘yun? Omg.. sana ako ‘yun! Hahaha! Joke lang. Imposible yun..

“A-aray..”

Sobrang lalim ng iniisip ko kaya hindi ko na namalayang naka-upo na pala ako sa sahig. Napatingala ako. “Grabe naman miss. Ang sakit nun, ah.” At siya pa ang may-ganang mag-reklamo saming dalawa? Eh ako na nga ‘tong napaupo! “Ang arte mo. Kalalaki mong tao.. bwisit.” Tatayo n asana ako, when he suddenly offered his hand. “Tulungan na kita atsaka.. sorry, Jeanette.”

Psst!.... I Love you [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon