One Shot Story

10 0 0
                                    

...

Ang sakit lang eh. Ang sakit lang talaga na makita siyang masaya sa iba. Kasalanan ko naman eh. Sinaktan ko siya. Ang tanga tanga ko! Napakalaki kong gago!

Nakaupo lang ako sa bench ng school namin habang tinitignan ko siyang masaya sa piling ng ibang lalaki. Tulala lang ako sa direksyon nila. Bakit pa kita pinakawalan? Ipinalit pa kita sa iba kahit napaka-perpekto mong girlfriend sakin noon. Ang gago ko! Aargh!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang iniisip ko yun. Yung masasayang araw na kasama ko siya. Yung tipong parang mundo na namin yung bawat isa.

" Ang ganda mo pa rin hanggang ngayon Rhaine. Isang taon na yung nakalipas pero hindi pa rin kita nakakalimutan. Sobrang nagsisisi ako na sinaktan ko ang isang babaeng katulad mo. Kung alam mo lang na mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narealize yun. Ang tanga ko! " Parang naiiyak ako. Amputs! Nakakabakla!

" Sky! " Nawala ako sa pagkatulala ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko yung taong tumawag sakin.

" Kanina pa kita tinatawag eh. " Sabi ni Bernard, ang bestfriend ko. Umupo siya sa tabi ko at tinignan din yung direksyon na kanina ko pa tinititigan.

" Yan ka na naman eh. Tulala ka na naman sa kanilang dalawa. Alam mo, kasalanan mo naman kung bakit iba na yung mahal at nagpapasaya sa babaeng mahal mo eh. Minahal ka niya nang sobra tapos sinaktan mo lang siya. Naghanap ka pa ng iba. At tsaka ngayon mo lang narealize na siya pala yung mahal mo. Ang tanga mo pre! " Oo, tanga na kung tanga pero hindi niya na dapat ipamukha sakin yun dahil alam ko na yun, matagal na. Simula nung sinaktan ko ang babaeng mahal ko.

" Tama nga yung sinasabi nila na sa huli mo na lang marerealize na mahal mo yung isang tao kapag nakita mo siyang masaya kasama ng iba. " Ang sakit pala. Tangina! Ang sakit sa mata! Lalong-lalo na dito sa PUSO.

Sinuntok niya ng mahina yung balikat ko. " Tara pre! Idaan mo na lang yan sa basketball. Doon mo ibuhos lahat ng yan. " Yaya sakin ni Bernard.

Promise, I Will Not Make You Cry AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon