Chapter 7
BINALIKAN ulit ni Irene sa isip niya ang mga itinanong kay Von kanina. Kanina niya pa iyon ginagawa sa kotse pa lang nito pero hindi niya mapagtugma sa sagot nito nang walang iisiping malisya.
Tinanong niya kung bakit isang 'thank you' lang kay Sean ayos na ang lahat. Tapos kung mukha bang may relasyon sila ng kaibigan. At kung may problema ba ito.
Isa lang daw ang sagot nito doon.
"Nakayakap ka kasi sa braso niya kanina."
Mas tamang isipin na sagot iyon sa pangalawang tanong niya. Hindi iyong... nakuntento na ito sa isang pagte-'thank you' kay Sean dahil nakaabrisyete siya dito. At problema nito iyon.
Hindi kaya nagselos ito? Pero hindi. Kakikilala pa lang nila at imposible naman na magkagusto ito sa kanya. Ngunit hindi niya talaga maiwasang isipin ang isang dahilang sinagot nito kanina sa maraming tanong niya.
Ahh! Magulo rin pala ang lalaking ito.
"Tikman mo itong Hawaiian nila. Masarap din."
Bago pa niya maawat si Von ay nailipat na nito sa plato niya ang isang hiwa ng pizza. Nasa Pizza Republic na sila ng mga oras na iyon. Nag-order ito ng tatlong malalaking pizza para sa kanila.
"Bibitayin na ba tayo bukas? Napakarami ng in-order mo."
"Malakas talaga akong kakain. Saka para may mapagpilian ka. Walang 'kahit ano' na flavor ng pizza kaya assorted na lang ang in-order ko."
Nang magtanong nga ito kanina kung ano'ng gusto niya ay 'kahit ano' ang sagot niya dahil hindi siya makapag-decide. Ganito pala ang nangyayari kapag iyon ang isinasagot ng babae sa lalaki.
"Pero masasayang lang ang mga ito," sabi niya. Tatlong slice pa lang ang nakakain niya pero busog na busog na siya. "Busog na ako."
"I-take out na lang natin at iuwi sa inyo. Sabi ni Nanay Eleonor ay pumupunta sa bahay ninyo tuwing hapon ang friends ng kuya mo. Baka magustuhan nila for snack."
Kailan pa nagkaroon ng isa pang anak ang nanay niya? Hindi naman sa nagrereklamo siya. Gustung-gusto nga iyon ng nanay niya. Feel na feel din nito ang pagtawag dito ng 'nanay' ni Von. Ang kaso nga lang, ang alam ng mga ito—at pinaniniwalaan—ay manliligaw niya si Von.
Gusto niyang mapakamot ng ulo. "Ikaw, hindi ka ba mag-uuwi?"
"Wala akong kasama sa condo kaya wala ring kakain ng mga ito." He took a bite on his pepperoni pizza. Mukhang paborito nga nito ang flavor na iyon. Napapangalahati na nito ang box.
Kung ganoon ay mag-isa lang itong namumuhay kahit malapit lang ang bahay ng parents nito? Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kagustuhan niyang i-comfort ito. Malungkot mamuhay mag-isa.
"Hindi ka nakatira sa parents mo?"
"Hindi. Pinatira ako sa condo ng parents ko para maging independent. Kailangan ko iyon dahil lalaki ako."
"Ano'ng konek?" Malungkot pa rin nang walang kasama sa bahay. Mapalalaki man o babae.
Ngumiti lang ito sa kanya. "Binata na ako. Hindi maganda kung nakatira pa ako sa bahay ng parents ko. I should be working and gaining money for myself. And I'm strong and young. Hindi tamang umasa pa ako sa parents ko. They're getting old. I should be independent now because, soon, ako na ang magpapalakad sa lahat ng business namin. I want my parents to rest and enjoy that time without worrying about everything."
Napatangu-tango siya habang nakikinig dito. Kung lahat ng lalaki, ganitong mag-isip, maunlad na sana ang Pilipinas ngayon. "Ang bait mo namang anak. Nakakainis. Dapat ganyan din mag-isip si Kuya. Kaedad mo lang iyon, eh."

BINABASA MO ANG
JUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters)
Teen FictionJUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters) By: Syana Jane TEASER: Broken-hearted si Irene kay Aser nang makatagpo siya ng isang aksidente. Nakilala niya si Von, ang reckless driver na isinugod nila sa ospital. He was very thankful to her ng magkam...