NASA DRESSING ROOM si Sandy at inaayusan ng mga stylist ng grupo niya dahil may guesting siya sa isang variety show kung saan kasama pa niya si JM at si Miro.
Simula ng naging open sila sa publiko tungkol sa relasyon nila ay hindi na nahihiya si Sandy kung sakaling tuksuhin man sila.
Since he proposed to her 2 years ago, Sandy took courage with JM to endure all the comments from people who doesn't approve of their relationship.
"Ayan, you're all done, Sandy."
"Thanks Ate Sina. Ang galing mo talaga," aniya. Ito ang personal stylist niya since lahat silang lima ay tig-iisa talaga.
"Sus, binola pa ako."
"Hindi ah. Hindi ako marunong nun," aniya at saka natawa.
Natawa rin ito at inayos ang kanyang buhok. "So, how does it feel to be in the same show with your hubby?"
"Hubby? Naku, parang ayoko nga eh," aniya at tumawa.
"Kilig is the word," Ate Sina said.
Tumawa na na lang niya ang sinabi nito at saka inabala ang sarili.
Nang matapos siya ay lumabas na siya at nakita niyang nasa labas na ang iba niyang makakasama at maging si JM. She bow to them and they did the same.
"Uyy, hi Sandy," Miro greet her.
"Hi, Miro," aniya.
"I cannot believe makakasama ko kayo," ani Diane, na kaibigan pareho nina Jane at Aaron.
"Bakit naman?" tanong ni Ervin, kaibigan din at ka label mate ni Aaron.
"Kahapon lang ako nakatakas sa mga langgam dahil sa kasweetan ni Aaron kay Jane tapos eto na naman," anito at saka napabuga ng hangin sa pabirong paraan.
Natawa si Sandy at namula ng bahagya ang kanyang mga pisngi dahil nahiya siya bigla.
"Sorry to disappoint you, Miss Diane, hindi ako pareho kay Aaron. Reserve ako na lalaki," ani JM.
Pinanlakihan niya ito ng mata. Si Miro naman ay hinampas ito sa braso.
"Nahiya naman ako sa reserve-type. Hindi ka kaya ganoon. Ngayon lang dahil andito si Sir Chio," ani Miro na ang tinutukoy ay ang isang beterang komedyante na makakasama nila.
"Talaga ba, Miro? Aba'y buti at nainvite ako," pasakay naman ng ginong sa tinuran ni Miro.
Natawa silang lahat rito. Nang tingnan niya si JM ay nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya.
He wink at her which causes her to roll her eyes.
"Hay naku, tara na Sandy, at baka talaga tumawag pa ng langgam ang pakindat-kindat ni JM sayo," ani Diane at umabresite sa kanya.
Natawa si Sandy at sumama na dito. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na sila.
JM COULDN'T TAKE his eyes off Sandy. Kahit na on-air na ang show ay hindi siya masyadong nagpofocus sa mga pinag-uusapan at na kay Sandy lang ang kanyang tingin.
OA ka dude.
"Ervin, ikaw, ano ang ideal type mo? Since hindi na natin tatanungin si JM dahil hindi na single yan," ani ng host na si Miss Dia.
Natawa siya at saka tiningnan niya si Ervin na siyang kinakausap.
"Parang ayaw kong sabihin," ani Ervin.
"Bakit?"
"Eh baka may magalit."
"Hindi yan. Sige na," ani JM.

YOU ARE READING
Untold Stories of the Series of Love (UP TO DATE)
RomancePLEASE BEAR IN MIND Some events that are not being told in the story and after the story. Just a brief POVs and in no particular order. Events in the real deal are used but is added with only pure imagination. Official photos used are added to the i...