SHANA: may isa pa palang one shot na Elmo/JE related akong nagawa noong August,2013. eto iyong mga panahon na inaabangan ko ung pag-guest ni Ryzza kay Elmo after maiguest si Julie sa TRMS. Nakalkal ko lang sa laptop ko and eto nga pinost ko. sayang naman kung maburo lang sa laptop ko di ba?nirevise ko na din. eto iyong una kong natapos pero ang tagal bago nai-post.hahaha...nauna pa ung Jelly Ace.hindi kasi ako noon satisfied sa nagawa ko dito. sabi ko nga, hindi ko naman forte ung OS.anyways, enjoy na lang po!salamat!God bless! :D
ALENG MALIIT
“Ayan na! Ryzza na!” excited niyang sabi. Isa siyang avid viewer ng show ni Aleng Maliit na ‘The Ryzza Mae Show’.
“Tao po? Tao po ako.” Boses na iyon ng host. Simula na ng saya. “Good morning po mga dabarkads!” bati niya sa mga tao sa studio pag-labas nito.
She’s so cute. Napaka-bibong bata nito kaya naman maraming tuwang-tuwa rito lalo na siya. Araw-araw niya nga itong pinapanuod kasi inaabangan niya ang magiging guest nito.
“Live na live, welcome to the Ryzza Mae Show.”
“Sana huwag ng mag-look up.” Sabi niya sa sarili niya. Feeling niya kasi ito na ang pinaka-hihintay niyang araw.
“Alam niyo po ba, ang guest ko po ngayon, napaka-gwapo!” emphasizing the last word. “Ang galing pa po niyang kumanta. Mga dabarkads, palakpakan po natin si…”
Halos hindi na siya humihinga sa paghi-hintay sa sasabihing pangalan ni Ryzza. Pa-suspense pa!
“Kuya Elmo Magalona!” sabay palakpakan ng audience. Napahampas siya sa kanyang ama na katabi niyang nanunuod dahil sa tuwa. Sa wakas! Nai-guest rin! Lumabas ito sa pinto. Gwapong- gwapo sa suot nito. Kahit simpleng shirt at jeans lang. Sarap pakasalan!
“Hi, Kuya Elmo.” bati ng bata.
“Hi, Ryzza.” Humalik ang binata sa pisngi nito. Paka-swerte!
“Oh, kinikilig na naman po kayo. Kayo talaga! Iyong mga babae don, oh!” tukoy nito sa mga audience. Sino nga bang hindi kikiligin sa isang Elmo Magalona? Kung siya nga e, kilig na kilig at parang kiti-kiti na hindi mapakali. Gusto niya na ngang mag-lupasay. Kung hindi niya nga lang katabi ang kanyang ama ay baka kanina pa siya gumulong. Oxygen, please? Hahaha.
“Kuya Elmo, upo po kayo.”
“Saan? Dito?” turo ni Elmo sa orange na upuan sa set. “Wow, orange! Ang ganda ng bahay mo, Ryzza.” Komento ng binata. Bigla naman siyang kinilig sa pag-wow orange nito. Parang may naalala.
“Ay, thank you po, ah.”
Ngumiti ito, ang isa sa mga assets nito.
“Kuya Elmo, ilang taon ka na po?” pasimulang tanong ng bata.
“Ako? Nineteen na ako. Ikaw ba ilang taon ka na?” balik tanong ng binata.
“Ah! Ako po, eighty na.” Infer, consistent ito sa edad nito!
“Eighty? Eighty ka na?” di-makapaniwalang tanong nito.
“Opo. Eighty na daw po ako sabi ni Bossing e.” natawa na lang si Elmo sa bata. Knowing Elmo, mahilig talaga ito sa mga bagets!
“Kuya Elmo, ano pong pinagkaka-abalahan niyo ngayon?” tanong muli nito habang inaayos ang mga bag sa harap nito.
“Ahmmp, I’m currently working on my album. Hopefully, ma-release ko na siya as soon as possible.”